Andrew E, may nakakakilig na mensahe sa kanyang asawa para sa kanilang 19th Anniversary

Si Andrew E ay isa sa mga sikat na rapper sa Pilipinas. Kilala siya sa kanyang mga catchy na kanta na nakatatak na sa isipan ng mga Pilipino. Sa kanyang mga ‘astig’ songs, sino ang mag-aakala na si Anfrew E ay isang romantikong tao.

Image courtesy: Andrew E_Dongalo/Instagram



Noong nakaraang Marso ng taong 2019 lamang ay nagcelebrate si Andrew E at kanyang non-showbiz wife ng kanilang 19th anniversary. Dahil sa okasyong ito ay nag-alay ang rapper ng isang madamdaming mensahe para sa kanyang asawa na si Mylene. Pinahayag ni Andrew E ang kanyang mensahe sa instagram.

Image courtesy: Andrew E_Dongalo/Instagram

“This is my thought for today, on our 19th Wedding Anniversary! And my words are — Love and Appreciation. I love you and I really, truly appreciate you. Appreciation for sacrificing your life three times for me.”

Image courtesy: Andrew E_Dongalo/Instagram



Sinariwa rin niya ang mga pangyayari nung sila ay nagsisimula palang. Sa kanyang mensahe ay inalala niya rin kung paano ang 20 peso ice cream ay naging instrument sa kanilang unang pagtatagpo:

“That’s the main reason why my love for you never falters. It’s the appreciation that if not for a mere ‘20peso Ice Cream’, I could never have found and met you in life. So on this day, my Tweety, may I greet you with a sweet happy anniversary that comes all the way from a very thankful and loving heart.”

Image courtesy: Andrew E_Dongalo/Instagram

Bukod pa sa kanyang mensahe ay sinorpresa niya rin ang kanyang asawa ng isang bouquet ng bulaklak. Matapos nito ay niyaya ni Mylene si Andrew E para sa isang romantic dinner.

Ikinasal ang dalawa noong taong 2000 ng Marso. Sila ay binayayaan ng tatlong anak, kinilig ba kayo sa sweet message ni Andrew E? Masaya kaming makarinig ng inyong mga komento. Wag mahihiyang magbahagi ng inyong mga opinyon sa comment section sa baba. Para sa iba pang impormasyon, i-follow ang aming facebook page.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *