Ang mag-asawang ito ay kumikita ng milyong dolyar sa loob lamang ng isang taon habang nakikipaglaro lamang sa kanilang mga anak

Kahit sino ay nais na kumita ng higit pa sa sapat na kita kada taon habang kasama lang ang iyong pamilya. Mas mainam pa ay ang mismong trabaho ay ang pakikipagkulitan o pakikipaglaro lang sa kanila tapos doon na papasok ang pera.

Image courtesy: Hulyan Maya/Youtube



Ngunit parang ito’y imposible hindi ba. Gayunpaman, ito ay naging posible sa buhay ng magpartner na ito dahil ganoong klaseng trabaho ang mayroon sila.

Tampok sa kakaibang trabaho na ito ang Pinoy Couple na sila Mark at Rhea na kumikita ng limpak limpak na pera kada taon sa pamamagitan lamang ng pag-alaga at pakikipagkulitan sa kanilang mga anak na sila Hulyan, Maya, at Marxlen.

Bago sila kumita ng ganito kalaki sa Los Angeles, California, Si Mark at Rhea ay parehong nakapag-aral ng mass communication major in arts sa Pilipinas. Kahit nang sila ay nasa kolehiyo pa lamang ay kinahiligan na nila ang pag edit ng mga video.

Image courtesy: Hulyan Maya/Youtube

Nang magdesisyon silang manirahan sa California ay naisipan nilang gumawa ng Youtube channel na ‘ilovemaything’ noong 2007.

Bago pa sila magkaroon ng mga anak ay mahilig na silang mag upload ng mga video sa kanilang channel kung saan si Mark ay nagbubukas ng mga laruang pambata.

Subalit hindi ito umani ng interes sa mga bata sa kadahilanang si Mark ay nasa husto ng edad at hindi na nababagay sa kanya ang mga ganitong gawain.

Image courtesy: Hulyan Maya/Youtube



Pero pinalad sila noong taong 2013 matapos nilang ipost ang video ng kanilang anak na nagbubukas ng box ng Trackmaster Motorized Engine Set. Ang nasabing video ay mayroon ng 20 million views, kita sa video ang saya ng mga bata habang binubuksan ang nasabing laruan.

Pumatok ito kaya pinagpatuloy nila Mark at Rhea ang paggawa ng mga video kung saan makikitang naglalaro at nagbubukas ng mga laruan ang ang kanyang mga anak.

Ito ang naging pangunahin nilang pinagkakakitaan at pareho rin silang nagdesisyon na iwan ang kanilang trabaho para magkaroon sila ng mas mahaba pang oras kasama ang kanilang mga anak at makagawa pa sila ng maraming video.

Image courtesy: Hulyan Maya/Youtube

Pinalitan nila ng pangalan ng kanilang Youtube channel ng Hulyan Maya at kilala bilang isa sa mga top Youtube channels, mayroon na silang 3 billion hits simula noong nagawa ang kanilang channel.

Bukod sa pagkakaroon ng sapat na oras sa kanilang mga anak nagagwa pa nilang kumita ng halos $1 million kada taon.

Ang maganda pa sa kanilang trabaho ay ang oportunidad na makasama ang kanilang mga anak at masubaybayan ang kanilang paglaki kasama pa dito ang sapat na kita para sa kanilang pamilya. Dream Job para sa mga magulang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *