Nag-aaral muli si Pambansang Kamao Manny Pacquiao upang mas palawigin ang kaalaman sa wastong pamamalakad

Inilahad ni Senador Manny Pacquiao na kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang college degree para mas maintindihan niya pa ang mga problema ng ating bansa.

Image courtesy: MannyPacquiao/Facebook

Sinabi ni Pacquiao sa isang pahayag mula sa isang lehitimong programa na ANC, “Yes, nag-aaral ako. The most important thing is alam mo ‘yung sitwasyon ng problema ng bansa natin.”

Hindi man niya sinabi ang detalye kung ano ang kurso at kung anong paaralan ito, sinabi ni Pacquiao na “Malapit na.” Sabi niya pa, ayon mismo sa ating senador, ay tinatapos niya ang kanyang pag-aaral dito lamang sa Manila.

Sinabi rin ng ating boxer senator na kasalukuyan niyang tinatapos ang PowerPoint presentation on economics.

Image courtesy: MannyPacquiao/Facebook

Nang tinanong siya kung paghahanda ba ito sa parating na 2022 eleksyon sa pagkapresidente, sumagot si Pacquiao na hindi niya pa ito pinag-iisipan.

Hindi niya pa masyado iniisip ang pagtakbo sa mas mataas pang posisyon, subalit ang mgas gusto niya pagtuunan ng pansin ay ang mga problema ng ating bansa at sa tumataas na buwis.

Image courtesy: MannyPacquiao/Facebook

Ayon sa nakuhang pahayag mula kay Senator Pacquiao, ay wala pa sa kanyang isip o mga plano sa pagtakbo sa darating na 2022. At ang tanging iniisip lamang niya ay ang mas maunawaan at mapag-aralan ang mga solusyon para sa mga problema ng ating bansa.

Mula sa pusong ipinahayag ni Pacquiao sa kanyang mga pinagsisilbihang kababayan na: “Masaya ako bilang senador, gampanan trabaho ko. Nagbibigay ako ng karangalan sa ating bansa. Masaya ako d’yan. ‘Yun ang nasa puso.”

Image courtesy: MannyPacquiao/Facebook

Si Pacquiao na ipinanganak sa isang mahirap na pamilya ay hindi natapos ang kanyang pag aaral. Noong taong 2007, naipasa niya ang high school equivalency exam, na naging daan niya para makatungtong ng kolehiyo. Nakamit niya ang kanyang high school diploma galing sa Department of Education.

Pagkatapos noon ay nag enroll siya para makakuha ng college degree sa Business Management sa Notre Dame sa Dadiangas University (NDDU) sa General Santos City.

Noong taong 2009 ay pinarangalan si Manny Pacquiao ng Honorary Degree of Doctor of Humanities (Honoris Causa) ng Southwestern University (SWU) sa the Waterfront Cebu City Hotel and Casino sa Lahug, Cebu City bilang pagpupugay sa kanyang mga boxing achievements at pagtulong sa tao.

Source: Newsinfo.inquirer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *