Hinangaan ng Netizens ang Napaka-simpleng Buhay ni Jennica Garcia Uytingco at Pagiging Hands on Mom

May nakakaalala pa ba sainyo sa dating aktres na si Jennica Garcia Uytingco? Nasaan na kaya siya ngayon? Sa artikulong ito, ibabahagi namin sa inyo kung ano na ang pinagkakaabalahan ngayon ng dating aktres na si Jennica Garia.

Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco



Si Jennica Garcia Uytingco ay isang Filipino actress na nakilala dahil siya ay anak ng isang veteran actress na si Jean Garcia. Noong 2014, nagsimulang magpahinga si Jennica sa Showbiz at nag-focus ito sa kanyang first born child sa asawang aktor na si Alywn Uytingco.

Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco

Simula noon ay nagpursige na lamang si Jennica sa kanyang mga business at unti-unti niya itong pinapalago habang inaalagaan ngayon ang kanyang dalawang anak na sina Atheni at Alessi.

Ang ilang business ni Jennica ay ang kaniyang ukay-ukay store, plant shop at parenting emporium kung saan nagbabahagi ito ng mga tips at impormasyon tungkol sa healthy na pagbubuntis at sa mga paraan kung paano pangalagaan ang sarili matapos manganak.

Bukod dito, si Jennica ay isa ring full time hands on mom sa kanyang mga anak kaya naman marami ang natutuwa sakanya dahil kaya niyang ipagsabay ang pagbubusiness at pag-aasikaso sa kanyang pamilya.

Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco
Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco



Sa katunayan, noong unang taon pa lamang ang kanyang first born child na si Athena Mori, si Jennica ang gumagawa ng lahat tulad ng paglalaba ng damit ng kaniyang anak dahil mas gusto nitong nakatutok sa kaniyang anak at todo suporta naman ang kaniyang asawa na si Alwyn.

Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco
Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco

Kaya naman hinahangaan siya ng kaniyang Ina na si Jean Garcia dahil sa sipag at tiyaga nito sa kaniyang pamilya at simpleng pamumuhay niya.

Sa ilang mga Instagram posts ni Jennica, makikita din na noong anniversary nilang mag-asawa ay mas pinili nila na mag-dvisioria na lamang kaysa magcelebrate dahil kinakailangan pa ni Jennica na bumili ng ilang mga materyales para sa kaniyang plant shop. Masaya naman ang dalawa kahit ganito lamang kasimple ang kanilang anibersaryo dahil para sakanila ay mas importante pa rin na nandiyan ang isa’t isa.

Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco

Ngayon ay abala ang aktres sa kanyang parenting talk upang mabigyan ng mga impormasyon ang mga soon-to-be-nanay na gustong manganak via natural birth. Ito ang napiling ibahagi ng aktres dahil siya mismo ay sumailalim sa natural birth dahil mas gusto nito ang ganitong paraan lamang.

Image courtesy: Instagram.com/jennicauytingco

Maraming netizens ang natutuwa sa aktres dahil sa simpleng buhay nito at sa tiyaga niyang maging hands on sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga business.

Saludo kami sayo Jennica! 

source: instagram/jennicauytingco



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *