Ito ang mga karaniwang bagay na sanhi ng pinagtatalunan ng mga magkasintahan o mag-asawa

Ang pagkakaroon ng isang romantikong relasyon ay isa sa mga pinaka-magandang biyaya na maaaring matanggap ng isang tao. Gayunpaman, hindi nga lang lahat ng panahon ay magiging maayos ang samahan kapag meron kang kasintahan.

Magkakaroon ng magandang pag sasama o happy moments, pero ‘di magagawang maiwasan ang mga problema at pagsubok sa isang relasyon.

Magkakaroon ng away at argumento na kung saan ay normal lamang sa isang pagsasamahan. Nagiging hindi normal lamang ito kapag madalas kayo mag away at makipagargumento sa isat-isa. Kaya alamin ang mga karaniwan na bagay na pinag-aawayan ng mag-nobyo/nobya sa panahong ito at paano ito maiiwasan?

1. Gastusin

Image courtesy: businessinsider.com



Pera ang isa sa mga pinaka-karaniwan na pinag-aawayan ng mga mag-nobyo/nobya sa panahon ngayon, na kung saan hindi naman dapat pag-awayan ang pera.

Minsan hindi maiiwasan awayan kung ayaw mo makipag talo sa nobyo/nobya dahil lang sa pera, matuto kayo rumespeto sa privacy ng bawat isa kapag pera ang pinag-uusapan at kung paano kayo gumastos sa kinita ninyong pera.

Gayunpaman, sa mga mag-asawa na. Mahalaga sa inyo na matuto kayo mag-budget para sa pamilya nyo at ihiwalay ng maayos ang mga gastusin sa pamamahay.

2. Mga Opinyon at paniniwala

Image courtesy: news.com

Kahit na nobyo/nobya na kayo, hindi maiiwasan na magkaroon kayo ng iba’t ibang opinyon sa mga bagay. At dahil iyon ay magkaiba kayo at may sari-sarili kayong paniniwala at prinsipyo sa buhay.

Kapag hindi kayo nag kaintindihan, malaki ang posibilidad na mag -talo kayo lalong lalo na na kung hindi mo nakukuha ang punto ng isa, upang maiwasan ang ganitong pag tatalo, dapat matuto tayong rumespeto sa pagtanggi ng isa at maglabas ng sariling opinyon sa mabuting paraan. Dapat bukas ka din sa magiging opinyon ng partner mo at matutong makinig.

3. Mga Priorities o Responsibilidad

Image courtesy: Graceplacewellness



Isa naman sa pinakarason kung bakit nag-aaway ang mag nobyo/nobya ay dahil may ibat iba tayong ‘priorities’ na sinasabi sa buhay. Minsan, dahil magkaiba ang prayoridad ng isa kaya ito ang nagiging madalas na rason kung bakit naghihiwalay ang mag nobyo/nobya.

Para masigurado at malagpasan ang ganitong pagtatalo. Mag-usap kayo ng partner mo, rumespeto sa kung anuman ang magiging priyoridad nila sa buhay. Kung mahal mo talaga, maiintindihan mo. At ganoon din ang gagawin niya para sayo kapag inuna mo ang prayoridad mo sa buhay.

4. Pagkakaiba sa inyong pagkatao

Image courtesy: ipdcenter

At dahil walang tao ang magkapareho, mayroong mga oras na mapagtatanto mo ang maga bagay na ayaw mo sa partner mo at ganoon din siya sayo.

Pero kung mahal niyo ang isa’t isa, mamahalin mo ang siya ng buo sa kabila ng kaniyang bahid, masama man ito o maganda.

Imposible na hindi magkakaroon ng pagtatalo sa isang relasyon, pero posible namang maiwasan ang mga ito kapag alam mo ang gagawin kapag nagkataon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *