Nag-resign ang babeng ito sa kanyang Successful Work sa NY at nagtayo na lamang ng napakagandang Bamboo Houses sa Bali

Marami na sa atin ngayon ang mas pinipiling magnegosyo na lamang kaysa magtrabaho bilang empleyado dahil sa hirap ng pagtatrabaho sa loob ng opisina. Kaya naman marami din na mga tao ang nagreresign na lamang at tinatahak ang business career dahil sa ganitong paraan ay hawak nila ang kanilang oras.

Ang iba naman ay mas pinipili na lamang na umuwi sa kanilang mga probinsya at doon maghanap ng mapagkikitaan dahil sa hirap at polusyon sa siyudad.

Tulad nalang ng isang netizen na si Elorda Hardy na nagresign sa kanyang successful career sa New York fashion scene at nagtayo na lamang ng mga bamboo houses sa Indonesia dahil para sakanya ay mas masarap tumira na malayo sa polusyon.

Image courtesy: ibuku



Ang ideya niyang ito ay nanggaling sa kanyang Ama na isa namang Canadian jewelry designer sa Bali, Indonesia. Naisipan nila na magtayo ng mga bamboo houses dito dahil alam niyang napakaraming bamboo trees sa lugar na ito.

Image courtesy: ibuku

Kasama siya at ang kanyang tatay at ng iba pang mga architects, craftspeople at team of designers, nagsimula silang magtayo at mag-construct ng mga impressive bamboo homes sa loob ng limang taon.

Image courtesy: ibuku

Ang kanilang bamboo home business ay tinawag na “Ibuku” na may nature-friendly na istraktura dahil itinayo nila ang mga ito nang hindi sinisira ang kalikasan. Sa pagpasok mo sa mga bamboo houses na ito, mararamdaman mo ang kaginhawaan dahil sa fresh na simoy ng hangin at sa matatanaw mong forest view.

Image courtesy: ibuku



Upang mas maging matibay ang mga bamboo structures na kanilang ginamit, idinadaan nila ito sa isang proseso upang hindi masira ng mga insekto at ulan.

Naisip nila ang ganitong konsepto dahil naniniwala sila na ang mga materyales sa ating paligid ay mayroong magandang dulot sa ating wellbeing lalo na kung environmental friendly ang mga ito.

Image courtesy: ibuku

Sa katunayan noong 2007, ang mga magulang ni Elorda ang nagtayo ng Bali Green School kung saan ito ay gawa sa mga locally sourced bamboo sa Bali. Ang kanilang layunin ay ipakita sa buong mundo na may mga paraan upang mas maging environmental friendly ang pagtatayo ng ilang istraktura.

Ngayon ay mayroon na silang 12 na private bamboo homes kung saan pinapalibutan ito ng mga puno at halaman.

Image courtesy: ibuku

Para sakanila, mas magiging masaya at healthy ang isang tao kung ang kaniyang tirahan ay eco-friendly at malapit ito sa nature.

 

source: www.wellhomeglobal ibuku



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *