Ang dating baby lamang na si Mutya Orquia ay tila umusbong na sa pagiging isang napakagandang dalaga ngayon

Ang Goin’ Bulilit ang isa sa mga pinaka-nakakaaliw na palabas ng Tv network na abs-cbn. Pinagbibidahan ito ng mga batang artista na nagbibigay ng aliw at nakakapaghatid kaligayahan na palabas na hindi lamang sa kabataan at para na din sa mga matatanda.

Image courtesy: Mutya Orquia/Instagram



Ang mga dating cast ng programa ay nagbibinata at nagdadalaga na din dahil sa tagal ng palabas na ito. Hanggang ngayon ay may mga ilan pa din na sumusubaybay sa mga pag usbong ng mga dating ‘Goin Bulilit’ na mga artista, na kung saan ay sumikat talaga sila sa nasabing palabas.

Isa si Mutya Orquia ng ‘Goin Bulilit’ ang patuloy pa din ang pagusbong ng kasikatan na kilala sa tunay na pangalan bilang Ruelleen Angel Olano, Noong nakaraang 2011, gumanap siya na sirena sa isang kapamilya fantaserye na Mutya.

Image courtesy: Mutya Orquia/Instagram



Napabilang din siya sa isang palabas na Be Careful With My Heart bilang anak ni Papa Chen na si Abigail noong 2012 hanggang 2014, gumanap din siya bilang Jade Dimagiba sa isang teleserye na Binondo Girl na kasama niya ang artistang si Kim Chui.

Ang kilalang batang napaka-cute noon na si Mutya ngayon ay nagdadalaga na. At ngayon, 13 taong gulang na si Mutya at kitang-kita ang pagbabago na nangyari sa kanya at sa kanyang pisikal na itsura.

Marami ng napatunayan si Mutya sa kanyang murang edad. Habang tumatagal lalong gumaganda ang dalaga na at pinapakita nya na hindi lamang siya sa pag aartista magaling.

Image courtesy: Mutya Orquia/Instagram

Nahubog ang galing ni Mutya sa klase ng trabaho na pinasok niya at ganun din ang mga artistang katulad niya. Maaari pang umusbong lalo ang talento ni Mutya sa galing ng pinapakita niya sa industriya ng pag aartista dahil sa kanyang pagdadalaga.

Pero magiging depende pa din ang magiging takbo ng proyekto ng isang artista, kaya hindi natin masasabi kung kalian ang magiging dulo ng kasikatan ng isang artista.

Image courtesy: Mutya Orquia/Instagram

Katulad ni Mutya na bata pa lamang ay marami na ang humanga at abangan na lang natin ang kanyang pag usbong ng kanyang kasikatan.

Source: Mutya Orquia/Instagram



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *