Bawat taon ay isinasama ng lalaking ito ang kanyang ina sa kanyang travel vacation paraan upang makabawi sa pag-alaga at pag-aruga mula pagkabata

May mga pagkakataon sa ating buhay ay nawawalan na tayo ng oras sa ating mga mahal sa buhay habang tayo ay tumatanda dahilan na din ng ating sobrang pagkaabala sa iba’t-ibang bagay, aminin man natin yan o hindi. Dahil siguro masyado na tayong nagiging tutok o abala sa kanya-kanyang trabaho, sa ating lovelife, o kaya naman ay kapag mayroon ng sariling pamilya tulad ng anak o asawa.

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook



Gayunpaman, nararapat lamang hindi dapat natin nakakaligtaan na magbigay ng oras at panahon sa ating mga mahal na magulang para naman kahit papano ay hindi nila maramdaman ang lungkot sa halip ay maramdaman nila ang pagmamahal at pag aaruga ng kanilang mga anak.

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook

Katulad na lamang ng kwento ng ating kababayan na mahilig bumyahe at mamasyal kung saan-saang panig ng Pilipinas at mundo. Ibinahagi ang kanyang kwento na kung saan ay nangako siya sa kanyang ina at patuloy itong tinutupad na dadalhin ito sa iba’t ibang sulok ng mundo kada taon.

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook



Ibinahagi nya ang kwento sa isang Facebook page na “The Poor Traveler” ang kanilang naging kamangha-mangha na karanasan kasama ang kaniyang ina sa pag tanaw sa iba’t ibang tanawin na pinupuntahan nila sa ibang panig ng mundo.

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook

Mayroon silang larawan ng kanyang ina sa kanilang naging byahe sa Hong Kong, Japan, Singapore, Macau at Australia, na kung saan ay mayroon silang album na pinamagatan na “Travels with Nanay.”

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook

Sobra sobra ang kanyang pasasalamat nang nabigyan siya ng isang malaking pagkakataon na makasama ang kanyang ina sa pag punta sa iba’t ibang panig ng mundo para makita ang mga mgagandang tanawin dito. Nakapasyal na din ang mag-ina sa Boracay na isa mga pinakamaganang lugar ng ating bansa.

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook

Napapansin niya paminsan minsan na lumuluha palihim ang kaniyang ina habang nasa byahe sila papuntang Hong Kong. Noong nagsimula na magtanong kung bakit sya umiiyak, isa lamang ang naging sagot ng kanyang ina, na nagpapasalamat siya sa kanyang anak at nakarating siya sa iba’t ibang bansa na kung saan hindi napupuntahan ng ibang tao, halos hindi naman makapaniwala ang kanyang ina sa mga pangyayari.

Image courtesy: The Poor Traveler/Facebook

Pitong magkakapatid ang kanilang ina na naging dahilan kaya hanggang Grade 6 lamang ang natapos niya. Kinakailangan kasi na mayroong maiiwan sa kanilang magkakapatid para may maglinis ng kanilang tahanan. Iyon ang naging buhay ng kanyang ina noon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *