Ito ang tradisyon ng mga Navy na tinatawag na “Swim Call” kung saan sila ay nabibigyan ng pagkakataon na magsaya at magtampisaw sa karagatan

Hindi madali ang maging isang miyembro ng military troupe lalong lalo na kung kasama ka sa hukbong-dagat o navy. Hinaharap nila sa kanilang trabaho ang kalungkutan dahil sa pagkakalayo nila sa kanilang minamahal at pamilya.

Image courtesy: Business Insider/Youtube



Sumakatuwid, kapag dumating ang opurtunidad sa kanila para makapag relax at makapag enjoy ay sigurado namang sinusulit nila ang mga ito.

Ito ay ang mga taong nabigyan ng tyansa para makalangoy sa karagatan para makasama sa kanilang military na tradisyon na tinatawag na “Swim Call” na kung saan ay pwede silang lumangoy sa kahit saang parte ng mundo.

Image courtesy: Business Insider/Youtube

Ang nasabing tradisyon ay nagsimula noong World War II na kung saan ang kanilang malalaking barko ay maglalayag sa pinakamalayong karagatan. Sa paraang ito, nabibigyan ng tyansa ang mga mag to-tropa na makapag relax at enjoy. At isa din itong pribilehiyo para madali nilang makalimutan ang kalungkutan dahil sa malayo sila.

Dahil sa mga hindi natin nakikitang trahedya sa karagatan, ang ibang miyembro ng tropa ay hindi lumalahok dahil sila ang naatasan na tagapag-bantay kung sakaling magkaroon ng emergency. Sila ang nasabing look out para sa mga pabadyang mga pating at delikadong isda sa lugar.

Image courtesy: Business Insider/Youtube



Ang mga life boats naman ay laging handa sa tabi para sa kaligtasan ng karamihan. Nakahanda din naman ang mga baril para sa mga pabadyang mga pating na para din naman sa kanilang pag-iingat.

Ang madalas nilang puntahan na karagatan ay ang: Mediterranean Sea, South China, Indian Ocean, Arabian Sea and Pacific Ocean.

Sa mga litratong ito, makikita sa mga mag to-tropa ang ngiti at saya, matapos ang kanilang tinatawag na swim call, handa na silang bumalik sa barko at bumalik sa trabaho.

Image courtesy: Business Insider/Youtube

Sana mapahalagahan natin ang mga taong malalapit sa atin, at mahalin sila katulad ng pagmamahal nila sa atin sa kadahilanang napakadaming tao na nagsasakripisyo sa malayo para pagsilbihan ang sariling bansa.

Source: Business Insider’s Youtube



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *