Siya ang napakagandang asawa ng Band Vocalist ng Kamikazee na si Jay Contreras

“Narda”, ang kantang pinasikat ng isa sa mga kilalang banda dito sa ating bansa, na kahit ang mga bata ay alam na alam kantahin mapa-tugtugan man o videokehan.

Image courtesy: Jay Contreras/Instagram



Isa ang Kamikazee ang nagbigay sa atin ng magagandang musika. Marami ang nalungkot sa pagkawatak-watak ng kanilang banda na kung saan ay maraming pinoy ang naaliw sa musikang ibinahagi nila sa atin.

Marami pa din ang taga hanga ng banda at umaasa sa kanilang pagbabalik industriya sa musika sa kabila ng kanilang pagka-disband ng kanilang banda.

Image courtesy: Jay Contreras/Instagram

Marami pa din ang umaantabay na sana ay makagawa pa muli sila ng bagong musika kahit nag paalam na sila sa kanilang farewell concert noong ika-10 ng Disyembre taong 2015 sa Smart Araneta Coliseum.

Pero sa kabila ng mga iyon, ang naging rason ng kanilang pagka-disband ay ang pinaka mahalaga sa bawat miyembro ng banda, ang kanilang pamilya kahit mahirap man para sa bawat isa ang naging desisyon.

Image courtesy: Jay Contreras/Instagram



Sobrang ikinatuwa naman ng kanilang mga taga suporta nang magkaroon sila ng Tagpuan Tour noong taong 2018 pagkatapos ang dalawang taon na hindi nila pagtugtog.

Si Jay Conteras, ang lead vocalist ng bandang Kamikazee na kung saan pinaguusapan ngayon ng karamihan ang ganda ng kanyang asawa na si Sarah Abad, ang nakababatang kapatid ni Kaye Abad.

Image courtesy: Jay Contreras/Instagram

Pumasok din dati sa industriya ng pag aartista si Sarah noon, na katunayan ay nakasama niya ang ilang mga artista katulad nila Tom Taus at Antoinette Taus noong sila ay mga bata pa lang.

Napangasawa ng bokalista na si Jay Conteras si Sarah Abad na biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Kidlat Caia (12y/o) at Isla Eunan (8y/o).

Madalas na ibinabahagi ni Jay Conteras ang larawan ng kanyang asawa sa Instagram at isa sa mga caption nito ay “Still the best view for me”. Kitang kita ang saya ng kanilang pamilya.

Image courtesy: Jay Contreras/Instagram

Napapansin ng karamihan na merong kahawig si Sarah na artista kung pag mamasdan ng mabuti ang kanyang itsura. Sinasabi nila na kahawig nito ang bida na babae sa pelikulang Fifty Shades of Grey na si Dakota Johnson.

Source: Jay Contreras/IG



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *