Mylene Dizon ibinahagi kung bakit ayaw pa nitong magpakasal sa longterm Boyfriend na si Jason Webb

Si Mylene Dizon ang isa sa mga napakagaling na aktres sa Industriya ng Showbiz lalo na sa mga drama na mga palabas at teleserye. Halos nagampanan na lahat ni Mylene ang mga roles sa Showbiz simula pa noong 90’s kaya naman isa na rin itong beteranong aktres na kilala ng halos lahat ng mga Pinoy at sinusubaybayan ang kaniyang buhay.

Sa ngayon ay happily in love si Mylene sa kanyang boyfriend of six years na former basketball star na si Jason Webb. Matagal na nitong ikinumpirma ng aktres noong taong 2013 pa lamang ang kanilang relasyon kahit na mayroon na silang mga anak sa dati nilang mga ex partner. 

Image courtesy: policefilestonite19



Si Jason ay kasalukuyang assistant coach sa PBA team Magnolia Hotshot Pambansang Manok. Siya ay nakilala dahil na rin sa kanyang Ama na dating basketball player na si Freddie Webb. Habang si Mylene naman ay tuloy pa rin sa pagshoot ng mga teleserye kagaya na lamang ang pinaka recent drama series ng GMA Network na “Sahaya” kung saan isa siyang Ina ni Bianca Umali sa palabas na ito.

Image courtesy: instagram/missmylenedizon

Kahit na busy si Mylene sa pagshoot ng kaniyang mga pelikula, masaya pa din ito na kahit paminsan minsan ay nakakauwi siya sa kaniyang probinsya at nakakapagtanim ng mga organic vegetables na kaniya namang madalas na pagkaabahalan kapag wala itong trabaho sa industriya.

Makikita din sa kanyang Instagram ang Hobbies ng aktres at ang kaniyang buhay kasama ang kasintahan na si Jason pati na ang bonding time niya sa kaniyang mga anak. Subalit kahit na masaya ang aktres sa kaniyang buhay ngayon, hindi pa rin maiwasan at marami pa rin na nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakasal sina Mylene at Jason samantalang napakatagal na nilang dalawa bilang magkasintahan.

Image courtesy: instagram/missmylenedizon
Image courtesy: Instagram/missmylenedizon



Kaya naman kinumpirma ito ng aktres sa isang interview ang rason kung bakit. Ayon kay Mylene, wala pa itong planong magpakasal sa kanyang boyfriend dahil mayroong kaunting takot ang aktres na maaaring magfail ang kanilang relasyon kapag sila ay nagpakasal.

Dagdag pa nito, ang dami na niyang nasasaksihan na failed marriages sa kaniyang mga kakilala at ayaw niyang mauwi ang kanilang relasyon tulad sa iba kaya mas pinipili niyang hindi na muna magpakasal. Para kay Mylene, kuntento na sila at masaya silang dalawa ni Jason kung ano sila ngayon. 

Image courtesy: instagram/missmylenedizon

Ayon pa sa aktres, kung sakali man na may magloko sa dalawang magkasintahan ay mas madaling makakawala sa relasyon kaysa sa mga taong married na dahil pagdaanan pa nila ang divorce o separation bago sila makawala sa isa’t isa. 

“Of course, sabi ng iba, pwede ka namang lokohin ng boyfriend mo. Of course, pwede pero hindi ko sila asawa. Mas madaling takasan. Maraming magbabatikos, pero choice ko to eh,” paguulat ng aktres.

Sa ngayon, para kay Mylene ay masaya na siya sa kanilang kalagayaan bilang mag boyfriend at girlfriend kung saan hindi na ito naghahangad ng kasalan. 42 years old na ang aktres at may dalawa siyang anak na lalaki sa dati nitong partner.

Image courtesy: instagram/missmylenedizon

Kasabay ng pag-aalaga ni Mylene sa mga anak ay ang going strong na relasyon niya kay Jason Webb kaya naman marami pa din ang natutuwa sa buhay ng aktres dahil nakakaya niyang balansehin ang kaniyang buhay kahit na ganito ang kanilang piniling sitwasyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *