Ibinahagi ni Kim Chiu ang kaniyang karanasan sa pagsakay ng eroplano habang kapatid niya ang naging Piloto

Isa si Kim Chui o kilala rin sa tawag na “Chinita Princess” sa mga kilalang personalidad na patuloy na nagpapasaya at nagbibigay inspirasyon sa ating mga kababayan.

Madalas siyang makita ng publiko na nakangiti at namamasyal sa iba’t ibang panig ng mundo para sa trabaho o di kaya naman ay para sa panasariling niyang interes. Ang bagay na ito ay kitang-kita sa kaniyang Instagram at YouTube accounts na talaga namang inaabangan ng kaniyang mga fans at followers.



Kamakailan lang ay kakaibang biyahe na naman ang ibinahagi ng aktres sa publiko nang dumaan siya sa Canada para bisitahin ang kaniyang kapatid na si John matapos ang ilan niyang trabaho sa ibang bansa. Doon na nakatira ang kapatid at nagtatrabaho ito bilang isang piloto kaya naman nananabik ang aktres na makita itong muli ng personal.

Image courtesy: instagram.com/chinitaprincess

Proud na proud si Kim sa narating ng kaniyang kapatid at kahit pangalawang pagkakataon na niyang sumakay ng eroplano na si John ang piloto ay sabik na sabik parin siyang lumipad. Samantala, magkahalong emosyon naman ang kaniyang naramdaman ng opisyal na ipakilala sa kaniya ng kapatid ang girlfriend nito.

Image courtesy: instagram.com/chinitaprincess
Image courtesy: instagram.com/chinitaprincess

“ganito pala feeling ng may anak ka tas pinakilala yung jowa!!! waaaahhh!!!…#mixedemotions”, caption ni Kim sa isa sa mga larawang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Maikling panahon man ang pananatili ng aktres sa Canada ay nasulit niya naman ito dahil maliban sa paglilibot sa iba’t ibang magagandang lugar kasama ang kaniyang kapatid at ilan pa nitong kaibigan ay mas nakilala niya rin ang kaniyang magiging future sister-in-law.

Image courtesy: instagram.com/chinitaprincess



Image courtesy: instagram.com/chinitaprincess

“Glad I took this side trip!!! It was short but definitely an awesome trip with these lovely people!!! never a dull moment, just visited my brother here but found a family here. thanks a lot guys!!! FROM GANG TO FAM REAL QUICK!!!”, dagdag pa ni Kim Chui.

Image courtesy: instagram.com/chinitaprincess

Lubos namang ikinatuwa ng mga fans ni Kim na makita silang magkasama ng kaniyang kapatid at karamihan sa kanila ay mas lalong na-inspire na maging mas malapit sa kanilang kapatid at mamasyal ng kasama ang mga ito.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *