Ito ang pinatayong bahay ni Derek Ramsay at ng kanyang pamilya sa Palawan na tanaw ang ganda ng Dagat

Ang pagkakaroon ng isang tahanan para sa isang buong pamilya ay isa sa pinaka-basic needs na kailangang mapunan upang sila ay mamuhay ng ligtas at may masisilungan.

Image courtesy: RealLiving

Gayunpaman, marami sa mga tao sa ating lipunan ang ginagawang luho ang pagpapatayo ng magagara at magagarbong bahay nang dahil na din sa kanilang namamayagpag na kayamanan.

Image courtesy: RealLiving

Ngunit wala namang masama sa pagpapatayo ng iyong mga nais na bahay kung lahat naman ng ito ay nanggaling sa iyong pinaghirapan at kung ito naman ang makakapagpasaya sa iyo.

Sa panahon ngayo’y mahal na ang mga materyales na kinakailangan para sa pagpapatayo ng bahay kung kaya’y nararapat lamang na dapat ikaw ay tutok sa panahon na ito ay under-construction upang iyong matamo ang talagang ninanais mong disenyo.

Isa sa mga halimbawa nito ay si Derek Ramsay, isang tanyag na artista na talagang malaki na ang napatunayan sa industriya ng show business. Si Derek ay nagpatayo ng napakagandang bahay sa Palawan kasama at sa tulong na din ng kanyang pamilya.

Pinagtulungan at pinag-ambagan nila ang pagpapatayo sa bahay. Si Derek kasama ng kanyang mommy na si Melody ay nakatutok sa Interior Design samantalang ang kanilang haligi ng tahanan naman ay ang namahala sa buong construction ng bahay.

Image courtesy: Derek Ramsay/Instagram

Ang kanilang pinatayong bahay ay halos gawa sa salamin habang nakatapat sa tabi ng dagat at mayroon din itong anim na kwarto.

Karamihan ng mga materyales na ginamit sa kanilang bahay ay nagmula pa sa iba’t-ibang bansa, tulad na lamang ng bakal na pinto nila sa harapan na may kasamang tempered glass ay nagmula pa sa Australia.

Mayroon din na iba’t ibang furnitures na ang pumili ay sina Derek at Mommy Melody na nanggaling naman sa iba’t ibang lugar tulad ng Bacolod at Italy. Samantala, ang ibang mga kagamitan ay obra maestra ng mga tanyag na artist.

Image courtesy: RealLiving

Ang mga silya sa silid-kainan ay kanila namang binili mula pa sa Cebu na pinili din nina Derek at Mommy Melody.

Image courtesy: RealLiving

Samantala sa kusina naman matatagpuan ang mga wines, baso, at mga tasa na elegante at ito ang ginastusan talaga ni Derek dahil paborito niya ang lugar sa kusina.

Image courtesy: RealLiving

Ang napakagandang kama naman na matatagpuan sa Master’s Bedroom ay nagmula pa sa Bali, Indonesia.

Image courtesy: RealLiving

Ang kwarto naman ng kapatid ni Derek Ramsay na si Natalia ay mayroong chandelier at napakagandang kama. Masarap sa mata ang mga ito dahil malumanay lamang ang kulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *