Kilalanin ang bunsong anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na si Arabella Davao

Proud celebrity parents Ricky Davao and Jackie Lou Blanco recently took to social media to share their youngest daughter, Arabella Davao latest accomplishment.

Image courtesy: Jackie Lou Blanco



Ipinagmamalaki na ibinahagi ni Ricky Davao at Jackie Lou Blanco ang panibagong nakamtan ng bunsong anak na babae na si Arabella Davao.

Nitong nakaraan lamang na May 31, 2019, ang babaeng anak nina Ricky Davao ay nagtapos sa kanyang Bachelor’s Degree sa kolehiyo sa Ateneo de Manila University. Base sa mga litrato na ibinahagi sa online, pareho ang kanyang ama’t ina ay dumalo sa kanyang graduation.

Image courtesy: Jackie Lou Blanco

Sina Jackie Lou at Ricky ay ibinahagi ang kanilang kagalakan sa pamamagitan ng pagmensahe sa kanilang bunsong anak gamit ang kanilang IG account na nagpapakita ng love and support para sa kanya.

Ang kanyang mommy ay ipinaabot ang nakakaantig na mensahe sa bunso at sinigurado sa kanyan na palagi itong susuportahan sa lahat ng kanyang kakaharapin sa buhay. Ito ang kanyang mensahe:

“I have and will always be proud of you, My Jacqueline Arabella Marie, my Bunso! Congratulations on your graduation! Whatever path you choose to take, always know Mama will be behind you. Throughout your joys, troubles, fears, and triumphs, I will always be here with you. I love you so so much!”

Image courtesy: Jackie Lou Blanco



Samantala, ang kanyang limampu’t walong taong gulang na celebrity Dad ay nagpost ng isang simpleng pagbati para sa kanyang anak na babae kasama si Ara. Ito ang kanyang sinabi para sa dalaga,

“Congratulations Ara, so proud of you! I love you!”

Image courtesy: Ricky Davao

Umani ng mga positibong reaksyon at komento ang post ng mag-asawang Davao mula sa mga netizens na kanilang taga-subaybay. Tunay nga na namana ni Ara ang kanyang good looks mula sa kanyang mga parents.

Maliban pa kay Ara, mayroon pang dalawang anak sina Ricky at Jackie Lou, ito ay sina Kenneth at si Rikkie Mae.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *