Siya ang napakagandang Katorse Anyos na babaeng anak ni Joko Diaz na nagbabalak rin na pumasok sa mundo ng entertainment

Ang artistang si Joko Diaz ay gumanap na ng napakaraming kontra-bida roles sa iba’t ibang palabas sa kasaysayan ng Philippine television sa kategoryang action movies. Si Joko ay anak din ng batikan na aktor ng yumaong si Paquito Diaz.

Image courtesy: Ashley Diaz/Instagram



Si Joko Diaz ay may edad nang mahigit 50 taong gulang at kasal sa kanyang non-showbiz wife na si Abigail. Mayroon silang dalawang anak, si Ashley at si Pacquie.

Ang aktor na si Joko ay mayroon din na isa pang anak na babae na nagngangalang Nicole de Leon na anak niya sa unang partner na si Angelu de Leon. Kasalukuyan din na gumaganap si Joko bilang si Hector Mangubat sa Afternoontime serye ng Kapamilya network na “Kadenang Ginto.”

Gayunpaman, ating kilalanin ang anak ni Joko Diaz na si Ashley Diaz, labing-apat na taong gulang na kung saan makikita natin na siya ay handa nang sundan ang yapak ng ama na maging isang artista.

Image courtesy: Ashley Diaz/Instagram

Ang dalaga ay mayroon ng mga followers at kasalukuyan niyang lalo pang pinapahanga ang mga ito dahil sa kanyang mga ipinopost na mga litrato sa kanyang IG account. Maliban pa sa kanyang kagandahan na taglay, ipinakita din ng dalaga ang kanyang talento sa pagkanta (isang talento na kanyang namana sa kanyang ina.)



Kamakailan lamang ay muling pinahanga at pinabilib ni Ashley Diaz ang kanyang mga followers nang siya ay muling mag-upload ng kanyang bagong hitsura na kung saan siya ay may maikling buhok na kanyang binahagi sa social media account.

Image courtesy: Ashley Diaz/Instagram

Ilan sa mga netizens ay nagkomento sa kanyang post tungkol sa kanyang maikling buhok na talagang bumagay sa kanyang napakagandang mukha.

Mayroon din na mga ibinahagi si Ashley kasama ang kanyang tatay na nagpapakita kung gaano sila kalapit sa isa’t isa. Binati din ng dalaga ang kanyang ama sa birthday niya nitong kamakailan lamang na April sa pamamagitan ng pagpost ng malambing na mensahe at lumang litrato.

Image courtesy: Ashley Diaz/Instagram

Ayon sa kanyang caption ng post: “happiest birthday papa @akosijokodiaz! thank you for everything, and we love you.”

Ngunit tulad ng ibang tatay, ang tanging gusto lang din ni Joko para sa kanyang anak ay makapagtapos ito ng pag-aaral bago pasukin ang show business. Ngunit binigyan pa din naman nila ito ng pahintulot na pasukin ang show business ngunit kinakailangan niyang pasukan ang kanyang regular class.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *