Ganito ang simpleng buhay ni Sylvia Sanchez bilang isang nanay sa kaniyang sariling pamilya sa likod ng Show business

Si Sylvia Sanchez ay nag-umpisa sa kaniyang karera bilang artista noong dekada ’80 at hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin siya sa show business at patuloy na pinapahanga ang mga tao sa kaniyang galing sa pag-arte.

Sa katunayan, mayroon na naman siyang bagong palabas na pinamagatang “Pamilya Ko” at mapapanood ito sa ABS-CBN tuwing hapon  bago ang TV Patrol simula ngayong Lunes ika-9 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez



Gaganap siya bilang si Luzviminda Magbunga sa nasabing palabas kung saan isa siyang raketerang ina na mayroong walong anak at gagawin ang lahat sa ngalan ng kaniyang pamilya. Lubos na nagpapasalamat si Sylvia sa Maykapal sa panibago niyang proyekto dahil natupad na naman ang layunin niya bilang artista na makagawa ng mga palabas na kapupulutan ng aral ng mga manonood.

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez

“Sinabi ko talaga sa Diyos, ‘Thank you. Basta bigyan Mo lang ako ng role na makakapagbigay ng leksyon, ng aral sa lahat ng tao.”, paghayag ng aktres.

Samantala, kagaya ni Luzviminda, sa likod ng camera ay isa ring huwarang ina si Sylvia sa kaniyang apat na anak sa asawang si Arturo Atayde. Kitang-kita sa kaniyang mga anak kung paano sila napalaki at nadisiplina ng maayos ng kanilang mga magulang lalong-lalo na ng kanilang ina.

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez
Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez



Sa katunayan, dalawa nga sa anak ni Sylvia ay sumunod sa kaniyang yapak sa showbiz at kasalakuyang mga artista na din. Sila ay sina Arjo at Ria Atayde na madalas mapanood sa iba’t ibang pelikula at palabas. Ang dalawang nakababatang anak naman na sina Gela at Xavi ay abala pa sa kanilang pag-aaral at malayo ang interes sa pag-aartista.

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez

Masaya si Sylvia sa mga natutupad na pangarap ng kaniyang mga anak lalo na at maganda ang balitang naririnig niya sa mga nakakatrabaho nina Arjo at Ria.

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez
Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez

Nang tanungin naman si Sylvia kung papaano niya napapanatiling masaya at matatag ang kaniyang relasyon sa asawang si Arturo ay narito ang kaniyang naging pahayag:

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez

“Nilaland(i) ko pa rin ‘yung asawa ko. Naglalambing pa rin ako. Nagbu-bullyhan kami sa lahat ng oras. Meron pa rin kaming bully-han, pikunan, inisan. ‘Yung para pa rin kaming mga bata, mga teenager.”

Isa pa sa mga sikreto kung bakit nagtatagal ang relasyon ng mag-asawa ay dahil inaayos kaagad nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan at sinisigurong hindi na magtatagal pa ang kanilang alitan.

Image courtesy: Instagram/SylviaSanchez

“Ang ginagawa namin…lagi [naming] sinasabi na ayusin natin. Ako, lagi kong sinasabi ko sa asawa ko na, ‘Ako, I want to grow old with you.”

Tunay ngang walang suliranin na hindi kayang masolusyunan ng dalawang taong nagmamahalan at nagtutulungan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *