Ito ang katangian na hinahangaan ni Nico Bolzico sa ating mga Pinoy at kay Tatay na taho Vendor

Nakakatuwang isipin na kahit anumang sakuna o problema ang dumaan sa ating mga Pinoy ay taas noo pa rin tayo at nginingitian lamang natin ito dahil ganito ang pag-uugali ng isang Pilipino na talaga namang nakaka proud kung iisipin. Kaya naman kilala tayo ng mga ibang lahi na masayahin at laging hospitable sa ibang tao.

Tulad nalang ng appreciation post ni Nico Bolzico tungkol sa ating mga Pinoy na madalas nakangiti at marunong lumaban sa anumang problema ang pagdadaanan.

Image courtesy: Instagram/Nicobolzico



Ibinahagi ni Nico ang isang post tungkol sa isang Tatay na Taho Vendor na napakagalang at laging masayahin kahit na alam nito kung gaano ang hirap ang pinagdadaanan nito makabenta lamang ng Taho.

Image courtesy: Instagram/Nicobolzico

Ayon kay Nico, si Tatay Henry Leonardo ay gumigising ng 4 am araw araw at nagko-commute ng mahigit dalawang oras para magbenta ng Taho sa kanilang village kung saan buhat-buhat nito ang lahat ng kailangan sa pagtitinda.

Mahigit anim na oras daw itong naglalako ng Taho sa lugar nina Nico kung saan madalas niya itong makita tuwing nagjo-jogging ito kasama ang kaniyang aso na si Pochola. Sa tuwing magjojogging sa umaga si Nico ay madalas siyang nginingitian ni Tatay Henry at bumabati ng ‘Goodmorning’ kay Nico pati na rin sa aso nito.

Image courtesy: Instagram/Nicobolzico



Sa halos walong taong pagtira ni Nico sa ating bansa, ang katangian natin na madalas naka-ngiti ay isa sa mga hinahangaan ni Nico sa ating mga Pilipino.

“I have been in the country for 8 years already and I can tell that the smile is the strongest Filipino weapon, it is something that never stops to amaze me, how most of the Filipinos irradiate happiness no matter what.”

Madalas daw tayong maghanap ng inspirasyon sa ating mga iniidolo na mga sikat subalit para kay Nico, ang pagkakaroon ng inspirasyon at motivation ay mahahanap at makikita natin sa ating mga kababayan na tinatahak ang lahat para makapagbigay sa pamilya dahil ang perseverance, hardwork, love at smile ng mga Pilipino ay ang siyang nakakapagpatatag sa isa’t isa kaya hindi tayo basta basta natitibag.

Image courtesy: Instagram/Nicobolzico

“This is one of many stories of Filipinos that are fighting everyday, doing long commutes and sacrificing a lot of time with their families to be able to provide or fulfill their dreams and they all have a common factor: they all smile.”

“The capability to smile no matter the circumstances is what makes this country invincible,” dagdag ni Nico sa kanyang post.

Totoo nga naman talaga na sadyang masayahin tayong mga Pinoy at pala-ngiti kahit na mahirap ang ating mga buhay. Ang pagbigay ng ngiti at pagbati sa ating kapwa ay isang katangian ng bawat Pilipino na naging tatak na sa atin ng ibang lahi sa ibang bansa dahil sa atin lamang makikita ang ganitong katangian. Nakakaproud maging Pinoy!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *