Lumang Bus ginawang Mobile Library para maturuan magbasa ang mga bata na nasa malalayong lugar

Ang pagkakaroon ng free library sa bawat siyudad sa Pilipinas ay isang minimithing proyekto ng ilang mga netizens para sa ating bayan. Subalit hindi ito gaanong nabibigyan ng pansin ng ating pamahalaan kaya naman paunti na lamang ng paunti ang mga mahilig magbasa ng libro. Isa na rin na dahilan ay ang dulot ng paggamit ng gadgets at internet na kung saan mas nahuhumaling ang mga bata na gamitin ito kaysa magbasa ng libro.

Kaya naman para ma-ipromote ang pagbabasa ng libro, naisip ng isang bus transport company na ito na magtayo ng libreng library para sa lahat gamit ang kanilang mga lumang bus na hindi na pwedeng gamitin.

Image courtesy: facebook/lakbayaklatan



Image courtesy: facebook.com/fivestarbus/

Ayon sa isang Facebook post ng Lakbay Aklatan, na-ilaunch ang isang mobile library sa Laoang Elementary School sa Tarlac City na kung saan ang mga dating lumang Five Star Bus ay kinonvert nila ng library.

Image courtesy: facebook/lakbayaklatan

Ang proyektong ito ay mula sa Five Star Company at Hulma Foundation na kung saan ang kanilang layunin ay i-encourage ang mga batang may edad na 6-7 years old na matutong magbasa at maging bihasa sa reading proficiency.

Image courtesy: facebook/lakbayaklatan



“We want to promote reading proficiency among the youth, so we thought of converting one of our buses into a library that will travel to various public schools in the country”.

Nais ng kumpanya na makapagprovide ng sapat na learning tool na silid-aklatan para sa mga bata lalo na sa mga public schools kaya naisipan nilang gamiting ang mga bus na ito kaysa mabulok na lamang at hindi na mapakinabangan.

Nag-umpisa ang proyektong ito sa Tarlac sa isang publikong eskwelahan na Laoang Elementary School noong September 9, 2019. Nagkaroon din ito ng open reading session na kung saan dinaluhan ng ilang mga estudyante.

Image courtesy: facebook/lakbayaklatan

Ang mobile library na ito o silid-aklatan ay maglalakbay sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas upang makapagbigay ng serbisyo sa mga bata na nangangailangan ng pundasyon ng kaalaman sa pag-aaral.

Image courtesy: facebook/lakbayaklatan

Marami ang natuwa sa naging proyekto na ito ng Five Star at Hulma Foundation kung saan minimithi din nila na sana ito ay umabot rin sa mga pook na malayo sa kabihasnan o mga paaralan na kulang sa mga materials para mas matulungan ang mga batang nais matuto.

Image courtesy: facebook/lakbayaklatan

Isa ngang napakagandang proyekto nito lalo na na sa mga estudyante nais madagdagan ang kanilang knowledgde sa pag-aaral. Sana ay mapansin ito ng ating gobyerno at gumawa pa sila ng mga silid-aklatan na ganito na kung saan magagamit ng mga bata para sa kanilang edukasyon. 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *