Kilalanin si Seth Fedelin, ang dating Housemate ni Kuya na talagang may future na maging bagong Heartthrob

Ang dating PBB housemate na si Seth Fedelin ay kasalukuyan ngang gumagawa ng sariling pangalan sa mundo ng entertainment. Dahil sa talento at gandang lalaki ng binatang ito, hindi nakapagtataka na agad-agad itong sisikat bilang isang panibagong heartthrob.

Image courtesy: Seth Fedelin/Instagram



Ang binata ay mayroong napakagandang mata na kulay hazel brown, magandang kutis, cute na buhok, at higit sa lahat magaling pumorma ng kanyang kasuotan. Ang binata ay malaki ang tiyansa na maging heartthrob sa industriya sa kinalaunan ng kanyang karera.

Image courtesy: Seth Fedelin/Instagram

Marami ang nagtatanong kung si Seth nga ba ay may dugong banyaga dahil na din sa hitsura nito na parang foreigner, ngunit si ang binata pala ay isang 100% pure pinoy. Ngunit may posibilidad na sa kanyang ninuno ay ang kanyang lolo o lola ay may dugong ibang lahi.

Image courtesy: Seth Fedelin/Instagram



Image courtesy: Seth Fedelin/Instagram

Sa kanyang napakamurang edad marami na siyang napagdaanan at natutunan tungkol sa kung gaano kahirap ang magkaroon ng pamilya. Ang kanyang pagiging panganay sa kanilang apat na magkakapatid ang tumulak sa kanya upang tumulong sa mga gastusin sa kanilang bahay matapos ang kanyang tatay ay magkaroon ng hindi inaasahan na karamdaman.

Nang dahil sa hindi inaasahan na pangyayari sa kanyang tatay, hindi na ito nakabalik ng ibang bansa upang magtrabaho at kumita ng mas malaki. Naging mahirap ang buhay nila Seth noon at napagdesisyunan niya na maglinis ng swimming pool upang pandagdag kita.

Image courtesy: Seth Fedelin/Instagram

Isang ulirang anak si Seth sa kanyang mga magulang dahil tinutulungan niya ito kahit noong walang-wala pa man sila, lalo na ngayon na tuloy-tuloy ang biyaya na dumadating sa binata.

Noon ay binabalewala lamang ang Pamilya ni Seth ng kanilang mga kamag-anak, nakikita rin ni Seth ang mga sakripisyo ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid, kung kaya’t nagpursige siya sa pag-aaral at ito ang nagbigay sa kanyang ng lakas ng loob upang sumali sa Star Hunt na kung saan pinalad ang binata.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *