Siya si Kylie Versoza ang napakagandang babae na kasalukuyang iniibig ni Jake Cuenca

Ang pagpasok sa isang relasyon ay hindi biro lalo na kung ikaw ay dumaan na sa iba’t-ibang klase ng relasyon mula sa iba’t-ibang tao. Ilang beses ka nang sumubok ngunit ilang ulit din nabigo na maging matagumpay ang mga dumaan na relasyon.

Image courtesy: Juan Carlos Cuenca/Instagram



Gayunpaman, mas mainam pa din na sumubok ng sumubok hanggang sa iyong matagpuan ang tunay na kasiyahan at kasiguraduhan sa isang tao. Tulad na lamang ng celebrity na si Jake Cuenca na kung saan kanyang natagpuan na ang tunay na ligaya sa isang babae na bumihag sa kanyang atensyon at puso.

Image courtesy: Juan Carlos Cuenca/Instagram

Ang pangalan ng kanyang minamahal na babae ay si Miss Kylie Versoza, isang beauty queen sa Pilipinas at tinanghal na Miss International 2016. Base sa opinyon ng nakararami na kung saan kanilang nakikita ang mga sweet photos at messages ng dalawa, hindi maitatanggi na may malalim na ugnayan na talaga ang dalawa.

Image courtesy: Juan Carlos Cuenca/Instagram



Ayon sa aktor, mahal na mahal niya si Kylie Versoza at nabanggit pa nito ang mga katagang. I do love her from the bottom of my heart at talagang ngayon lang daw niya naranasan ang ganitong klaseng kasiyahan sa piling ng isang tao na talagang mahal na mahal niya.

Dagdag pa ng aktor, sa kanyang edad na mahigit tatlumpung taong gulang, nakatulong ang kanyang mga karanasan sa buhay at tagal ng pananatili sa mundo upang siya ay mas maging mature, disiplinado at mas maalaga sa sarili.

Image courtesy: Juan Carlos Cuenca/Instagram

Nitong mga nakaraang taon ay talagang nakitaan si Jake na siya ay seryoso at tutok sa kanyang karera bilang artista na kung saan talagang nakatulong sa kanya upang mapunan ng napakaraming kaalaman.

Image courtesy: Kylie Versoza/Instagram

Kaya naman ngayon ay kanyang pagbibigyan ang sarili na magmahal muli at pumasok sa isang relasyon. Samantala, mula naman sa isang lehitimong pinanggalingan ng impormasyon na kung saan tinanong si Jake tungkol sa pagpapakasal, ang sagot ng aktor ay: “Mahal ko siya, hindi na rin ako bata at kung ako ang papapiliin ay siya na talaga.”

Image courtesy: Kylie Versoza/Instagram

Napakaraming katangian si Kylie kung bakit talagang nahumaling si Jake Cuenca dahil ayon sa kanya, ang pagiging beauty queen ni Kylie ay hindi lang sa kanyang pisikal na anyo, kundi sa kanyang magandang personalidad din bilang isang indibidwal.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *