Dating Child Star na si Camille Prats, nagmamay-ari na ngayon ng isang eskwelahan

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats o mas kilala bilang “Camille Prats” ay unang napanood ng publiko sa telebisyon nang sumali siya sa patimpalak ng Eat Bulaga na “Little Miss Philippines” noong 1990. Dahil nga dito ay maraming nakapansin ng angkin niyang ganda at talento kaya naman hindi nakakapagtaka na makapasok siya sa mundo ng show business.

Sa katunayan, sa murang edad ay napasali na siya sa isang pambatang palabas ng ABS-CBN na “Ang TV” at makalipas lang ang ilang taon ay nabigyan din siya ng pagkakataong bumida sa sariling pelikula noong taong 1995.



Gumanap siya bilang Sarah sa pelikulang “Sarah, Ang Munting Prinsesa” at ito ang naging simula ng kaniyang pagsikat bilang artista. Matapos nito ay nagsunod-sunod ang mga proyekto na kaniyang ginawa sa iba’t ibang network.

Image courtesy: Instagram/CamillePrats
Image courtesy: Instagram/CamillePrats

Makalipas ang mahabang panahon ay aktibo pa rin si Camille sa industriya ng show business at kasalukuyan paring napapanood sa mga programa ng GMA kagaya na lamang ng “Mars Pa More”. Ngunit alam niyo ba na maliban sa pagiging artista ay abala rin si Camille sa pagpapatakbo ng kanilang sariling paaralan?

Image courtesy: facebook/divineangelsmontessori/
Image courtesy: facebook/divineangelsmontessori/

Noong 2009, kasama ang kaniyang mga kapatid ay nagtayo siya ng paaralan sa Rizal at tinawag nila itong Divine Angels Montessori of Cainta, Inc. Maliban sa pagiging may-ari ay napabilang din siya sa mga unang guro nito at siyang nagtuturo sa mga estudyanteng nasa junior pre-school.

Likas kay Camille ang pagkahilig sa mga bata kaya naman kahit na mahirap sa umpisa ay na-enjoy niya pa rin ang pagiging guro at unti-unting napalago ang kanilang paaralan sa tulong na rin ng kaniyang ama na isang negosyante.



Image courtesy: facebook/divineangelsmontessori/
Image courtesy: facebook/divineangelsmontessori/
Image courtesy: facebook/divineangelsmontessori/

Kagaya ng iba pang paaralan, layunin ng Divine Angels Montessori na maibigay sa mga estudyante ang pinakamainam na edukasyon hindi lamang sa mga asignatura kundi lalong-lalo na pagdating sa mabuting pag-uugali ng mga ito.

Kaya naman, matapos manganak ay nagtungo ng Amerika si Camille para mas lalong mapalago ang kaniyang kaalaman sa pagtuturo. Kumuha siya ng kursong Montessori at pagbalik niya ng bansa noong nakaraang taon ay nagdesisyon siyang palawakin pa ang kanilang paaralan.

Image courtesy: Instagram/CamillePrats
Image courtesy: facebook/divineangelsmontessori/

Sa kasalukuyan ay isa ng Directress si Camille at sinisiguro niyang nasala ng maayos ang mga guro sa kanilang paaralan upang masigurong matupad ang layunin nilang makapagbigay ng pinakamainam na edukasyon para sa mga estudyante.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *