Kilalanin ang mala-artistang kapatid ni Nathalie Hart na talaga namang napakapogi

Isa sa mga pinagkakaguluhan ng mga netizens online ay ang poging kapatid ng aktres na si Nathalie Hart. Nakilala siya bilang si Kenneth Snell at kasalukuyang 25-taong gulang na. Hindi nakakapagtakang maraming tao ang humanga sa kaniya dahil kagaya ni Nathalie ay maganda ang hugis ng kaniyang mukha at mayroong mga mata na talaga namang nakakabighani.Maliban dito ay matipuno rin ang pangangatawan ni Kenneth kaya naman maraming kababaihan ang naaakit sa kaniya.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/



Dahil nga sa angking kagandahang pisikal ay nakahiligan niya ang pag-momodelo at pagsali sa iba’t ibang pageant. Sa katunayan, noong nakaraang taon ay sumali siya sa patimpalak na “Ginoong Laguna 2018” kung saan nakuha niya ang award na 4th Runner-up.

Hindi man nasungkit ang titulo ay masaya pa rin si Kenneth sa kaniyang naging karanasan lalo na at suportado siya ng kaniyang ate sa lahat ng kaniyang mga pangarap.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/
Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/

Alam niyo ba na maliban sa galing sa pag-rampa ay magaling din magluto si Kenneth?

Bago pa man siya manirahan dito sa Pilipinas kasama ang kaniyang ate ay nakapag-aral siya sa William Blue University sa Sydney, Australia at kumuha ng degree sa culinary. Bata pa lang kasi ay mahilig na siya sa pagluluto kaya naman ito na rin ang pinagtuunan niya ng pansin sa kolehiyo.

Nagkaroon din siya ng pagkakataon na maging chef sa isang kilalang restaurant sa Australia at nagtrabaho doon sa loob ng tatlong taon.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/



Pinili niyang sundan ang kapatid na si Nathalie dito sa Pilipinas dahil nais niya ring subukan ang kaniyang kapalaran at umaasang balang-araw ay makakapasok din siya sa mundo ng show business.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/

“Gusto ko po na mag-showbiz kung susuwertihin ako,” sagot ni Kenneth sa tanong ng host ng “Magandang Buhay” na si Karla Estrada.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatanggap siya ng paanyaya para mag-guest sa isang TV- show kaya naman medyo kabado siyang humarap sa mga host pati na rin sa mga manonood. Ngunit hindi nagtagal ay nagawa niya na ring makipagkwentuhan sa mga host at ibinahagi ang kaniyang buhay kasama ang ate niya na si Nathalie.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/

“Sa tingin ko magiging mabuting nanay siya sa anak niya kasi bata pa lang kami nandiyan na siya, lagi kaming pinapangaralan, sinusuportahan, ‘di kami pinapabayaan. Siguro ready na siya na magkaroon ng baby. Excited na ako, magiging tito na ako,” pahayag ni Kenneth sa tanong kung anong klaseng ate para sa kaniya si Nathalie.

Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/
Image courtesy: instagram.com/imnathaliehart/

Samantala, marami sa mga nakapanood ng show at mga netizens ang gustong makita pang muli si Kenneth sa telebisyon at patuloy na umaasang magiging artista din siya kagaya ng kaniyang ate.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *