Lumabas ang Natural na Beauty ni Angelina Cruz sa Kaniyang Pre-Debut Photoshoot na Ibinahagi Niya sa Social Media

Ang panaganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina Cruz ay unti-unting sumisikat at gumagawa ng kaniyang pangalan sa Showbiz Industry dahil na rin sa angking ganda nito at talento sa pagkanta na siyang hinahangaan ng karamihan.

Kaya naman marami na ang umaabang sakanya sa mga susunod niyang proyekto sa industriya at maging ang kaniyang buhay ay sinusubaybayan na ng ilan.



https://www.instagram.com/angelinaisabele/

Sa katunayan, isa si Angelina sa mga bagong aktres na kinahuhumalingan ng iba dahil sa napakagandang aura nito na nakuha niya sa kaniyang Ina. Hindi lamang talento ang katangian ng dalaga kundi isa rin siyang magaling na estudyante kaya naman proud na proud si Sunshine sakanya.
Kamakailan lamang ay ni-launch ang kaniyang debut album na kung saan sinuportahan ito ng kaniyang Ina at nang ilang fans ni Angelina.

https://www.instagram.com/angelinaisabele/

Sa ngayon ay abalang abala si Angelina para sa kaniyang 18th birthday na kung saan ibinahagi niya ang ilang pasilip sa kaniyang pre-debut photoshoot na kinuhanan ng sikat na Nice Print Photography.

Narito ang ilang pre-debut photoshoot ni Angelina:

Image courtesy: instagram.com/niceprintphoto/

Isang kakaibang theme ang photoshoot ng dalaga na kung saan mala-vintage style ito tulad ng mga litrato noong unang panahon.Mapapansin na nakasuot lamang ito ng simpleng vintage white dress at natural lamang ang kaniyang make up na kung saan mas lumabas ang natural beauty ng dalaga.

Image courtesy: instagram.com/niceprintphoto/



Hindi pa ibinahagi ni Angelina kung saan gaganapin ang kaniyang debut at kung kailan ito gagawin subalit ka-abang abang na ang kaniyang debut party dahil sa mga litratong ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account na pumukaw ng atensyon sa mga netizens.

Image courtesy: instagram.com/niceprintphoto/

Simple lamang ang kaniyang photoshoot kaya naman mas napansin ang flawless beauty nito at ang kaniyang napaka-among mukha.

Image courtesy: instagram.com/niceprintphoto/

Si Angelina ang panganay sa tatlong anak na babae nina Sunshine Cruz at ng ex-husband na si Cesar Montano. Itinaguyod ni Sunshine ang kaniyang tatlong anak kahit na may hidwaan na naganap sakanilang mag-asawa. Kahit na ganito ang kanilang naging sitwasyon noon, proud si Sunshine na napalaki niya ang kaniyang mga anak kahit bilang single-parent.

https://www.instagram.com/angelinaisabele/

Ngayon ay masaya sila sa kanilang buhay at pati na rin sa buhay ng kanilang Ina na kung saan nakahanap na ito ng magmamahal sakaniya ng tunay.

https://www.instagram.com/angelinaisabele/
https://www.instagram.com/angelinaisabele/

Ayon naman sa pagsikat ni Angelina, proud na proud si Sunshine na unti-unti itong nagkakaroon ng mga projects subalit mas priority pa rin ni Sunshine ang pag-aaral ng dalaga kaya naman may kasunduan sila na tatapusin ni Angelina ang kaniyang studies kahit ano man ang mangyari. 

Happy Birthday, Angelina! We wish you all the best!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *