Nakatanggap ng Regalo na Apartment ang Dating OFW na Ito sa Kaniyang Bagong Amo Ngayon

Makaahon sa hirap ng buhay at makatulong sa pamilya ang ilan lamang sa mga dahilan ng karamihan sa ating kababayan kung bakit nila pinipiling iwanan ang mga mahal sa buhay para makipagsapalaran sa ibang bansa. Hindi biro ang kanilang pinagdadaanan at minsan nga ay napapabalita pang sinasaktan sila ng kanilang mga amo lalo na kapag nadistino ito sa Middle East.

Ngunit kamakailan lang ay isang dating OFW sa Kuwait ang naging viral online nang ma-feature siya sa isang YouTube vlog dahil sa kaniyang na-experience sa kaniyang amo.



Nakilala siya bilang si Angel at kasalukuyang nagtatrabaho para sa isang Syrian vlogger na may-ari rin ng YOLO Bubble Milk Tea dito sa Pilipinas. Kitang-kita sa vlog kung papaano pinaghandaan ng kaniyang amo na surpresahin ito sa kaniyang kaarawan.

Image courtesy: Youtube/TheHungrySyrianWanderer/

Kasabwat ng Syrian vlogger ang lahat ng kaniyang empleyado upang masiguro na magiging maayos ang kaniyang plano. Bumili sila ng cake at iba pang pagkain para sa celebrasyon at habang abala nga si Angel sa counter ay dahan-dahan itong pumasok sa shop habang dala-dala ang cake at kumakanta ng Happy Birthday na sinasabayan naman ng kaniyang mga tauhan.

Dahil dito ay abot hanggang tenga ang ngiti ni Angel at lubos ang kaniyang pasasalamat sa nadamang pagmamahal mula sa kaniyang mga katrabaho at boss.

Image courtesy: Youtube/TheHungrySyrianWanderer/



Masayang-masaya si Angel sa naging pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngunit hindi pa pala dito natatapos ang surpresa para sa kaniya. Makalipas ang ilang araw ay pinapunta siya ng kaniyang boss sa isang apartment sa tulong na rin ng kasamahan niya sa trabaho na si Ica.

Iniisip niya ang dahilan kung bakit nandoon siya ay para maglinis lamang ng lugar. Ngunit, nagkakamali pala ito dahil isa nanamang surpresa ang kaniyang natanggap.

Image courtesy: Youtube/TheHungrySyrianWanderer/
Image courtesy: Youtube/TheHungrySyrianWanderer/

Nagkaroon sila ng maghabang pag-uusap ng kaniyang boss patungkol sa dati niyang buhay bilang OFW hanggang sa ipakita na ng Syrian vlogger ang isang susi.

Noong una ay inakala ni Angel na sasakyan ang regalo sa kaniya ng boss ngunit mas lalo siyang nagulat nang sabihin nitong ang susi ay para sa apartment na kinatatayuan niya sa puntong iyon.

Image courtesy: Youtube/TheHungrySyrianWanderer/

Ito ang regalo sa kaniya ng Syrian vlogger bilang pasasalamat na din sa tagal ng panahon na paglilingkod ni Angel sa kanya. Bayad na ng isang taon ang apartment at wala nang kailangan pang alalahanin si Angel dahil mayroon na rin itong mga gamit sa loob kagaya ng mesa at higaan. Maliban dito ay bibigyan din siya ng iba pang kasangkapan sa bahay kagaya ng TV ng kaniyang butihing amo.

Image courtesy: Youtube/TheHungrySyrianWanderer/

Tunay ngang napaka-palad ni Angel at marami sa mga netizens na nakapanood ng vlog ang hindi maiwasang mainggit sa kaniya. Ngunit sa kabila nito ay mayroon silang mahalagang bagay na natutunan at ito ay ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging bahagi at napakalaki ng naitulong sa pag-angat natin sa buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *