Isang Pinoy sa Dubai, pinarangalan dahil sa pagsasauli ng milyon-milyong halaga ng pera at tseke na nakapaloob sa isang Bag

Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo dahil sa ating galing sa pakikipag-kapwa tao, lalong-lalo na pagdating sa pagkakaroon ng magandang asal at pagiging tapat sa lahat ng bagay. Maraming beses na itong napatunayan ng karamihan sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa abroad at naparangalan na rin sila dahil sa ipinakita nilang katapatan.

Tila nga walang patid ang magagandang balitang ito dahil kamakailan lang ay isa na namang Pinoy ang nagtaas ng bandila ng Pilipinas sa Dubai nang isauli niya ang naiwang bag ng customer na naglalaman ng limpak-limpak na salapi.

Image courtesy: facebook



Nakilala siya bilang si Mae Anne Olmidillo, 27-taong gulang at nagtatrabaho bilang manager sa Starbucks Mall Dubai. Ginawaran siya ng parangal ng deputy director ng Bur Dubai police station na si Colonel Rashid Mohammad Al Shehi dahil sa magandang desisyon na kaniyang ginawa at naisauli ng kumpleto ang gamit ng isang Russian broker na naging customer sa kanilang coffee shop.

Image courtesy: facebook

Kasama niya noon sa duty ang Kenyan barista na si Rosslyn Nini nang makita nila ang bag na naiwan ng customer. Dahil nga protocol ng kanilang shop na tingnan ang laman nito bago i-surrender sa mga pulis ay minabuti nila itong buksan at doon nila nakita ang mga pera na nagkakahalaga ng 2.7 milyon pesos, cheque na nasa 7 milyon pesos at mga domumentong aabot sa 88,000 pesos!

Image courtesy: facebook



Naghintay sila ng ilang oras kung babalikan ba ito ng nasabing customer ngunit dahil hindi ito nangyari, minabuti niyang tumawag na agad ng police sa pahintulot na rin ng kaniyang district manager.

Image courtesy: facebook

Masaya si Olmidillo at naibalik kaagad ang gamit ng kanilang customer na walang kaalam-alam na naiwan niya pala ang bag sa cofffee shop.

Image courtesy: facebook

“This recognition is a great honor for my colleague and for me as a Filipino. It is my personal conviction to return any lost it regardless of its monetary value. I believe in the Golden Rule ‘Do unto others what you want others to do unto you.’ So when I saw the contents of the bag, I did not think twice of returning the bag to the owner,” pahayag ni Olmidillo.

Tunay ngang pawang mabubuting bagay ang matatanggap ng mga taong nagpapakita rin ng kabutihan sa kanilang kapwa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *