Mula sa tagpi-tagpi na bahay, sinikap ng lalaking ito na ipatayo ang Dream House ng kaniyang ama

Isa nanamang inspiring story ng isang netizen ang nag-viral sa Social Media matapos niyang ibahagi ang kaniyang kwento at tanging rason kung bakit siya nagpatayo ng bahay para sa kaniyang mga magulang.

Siya ay si Randy N. Oliverio, nagtatrabaho bilang Property Specialist sa Avida Land Corporation na kung saan kumakayod araw-araw para makamit ang pangarap ng kaniyang mga magulang.

Image courtesy: Facebook/RanDyNOliverio



Ibinahagi ni Randy ang kaniyang kwento sa Social Media tungkol sa bagong tayo nilang bahay na matagal nang pinapangarap ng kaniyang Ama na matupad tupad noon.

Kwento ni Randy, madalas daw siyang tanungin ng kaniyang mga ka-opisina kung ano na ang kaniyang na-invest sa pagtatrabaho. Subalit sa tuwing sasabihin niyang nagpatayo siya ng bahay para sa kaniyang Ama ay madalas sabihin ng kaniyang mga ka-opisina na isa raw itong d(e)ad investment dahil walang return of investment ang pagpapagawa ng bahay.

“Pag tinatanong ako ng iba kong ka work kung ano ang mga na-invest ko, sagot ko ay pinagaw ako yung bahay namin sa province. At kadasalan nilang sagot ay “naku!” D(e)ad investment yan dapat nag business ka…”

Kahit na madalas sabihin ito ng kaniyang mga katrabaho ay proud na proud pa rin si Randy na naipatayo niya ang dream house ng kaniyang Ama sa kanilang probinsya.

Image courtesy: Facebook/RanDyNOliverio

Para kay Randy, kahit alam niyang wala siyang kikitain sa pagpapatayo ng bahay ay masaya pa rin ito dahil nabigyan niya ng kaginhawaan ang kaniyang Ama. Nagpursige si Randy na itayo ang dream house ng kaniyang Ama mula noong narinig niya ang kwento ng isang succesful na tao.

“May isang succesful person ako na narinig na nagshare ng buhay niya. Sabi niya, siguro kung buhay pa ang magulang niya ngayon lahat ng gustong kainin at hilingin ibibigay niya. Kaso hindi na inabot ng magulang niya yung pag success ng buhay niya…”

“Kaya yun ang isa sa naging motivation ko. Gusto ko ibigay sa magulang ko yung gusto nilang pagkain na kaya pa nila lasahan. Gusto ko rin maenjoy nila yung akyat baba ng 2nd floor na bahay na pangarpa nila na hindi pa sumasakit ang tuhod…”

Ito ang naging motivation ni Randy upang maipatayo ang kanilang bahay sa probinsya dahil mas importante sakaniya na maibigay niya ang masarap na buhay na hindi naranasan noon ng kanilang magulang.

Image courtesy: Facebook/RanDyNOliverio



Image courtesy: Facebook/RanDyNOliverio

“God is Good talaga. Sino ang mag aakala na ang mga biruan lang namin nuon na pangarap na magkaroon ng bahay na 2nd floor na may terrace ay magiging totoo.”

Kahit alam niyang hindi siya mabibigyan ng income ng kaniyang bagong bahay, fulfilled naman ito dahil hindi na mahihirapan ang kaniyang magulang tuwing may bagyo at makikita niyang masaya at maayos ang kalagayan ng mga ito.

Mas importante nga naman talaga na unahin natin ang ating mga magulang na mabigyan ng kaginhawaan sa buhay dahil ang tanging investment noon ng ating magulang ay ang ating edukasyon. Marapat lamang na suklian natin sila kahit sa mga maliliit na bagay lamang.

Saludo kami sayo Randy sa iyong pagiging mabuting anak! Hindi mo man ikakayaman ang iyong bahay, yayaman naman ang iyong puso ng tuwa at saya na galing sa iyong magulang.

Source: Facebook/RandyOliverio



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *