Muling nangibabaw ang kagandahan ni Liza Soberano sa kakatapos lamang na Star Magic Ball

Ang kagandahang taglay ng isang babae ay hindi kailanman naging sukatan ang ganda ng mukha at katawan o sabihin na natin na pisikal na anyo. Dahil hindi kailanman magiging maganda sa paningin ng mga tao ang isang babaeng may hitsura nga ngunit kulang naman sa ganda ng pag-uugali at tamang asal.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Ang tunay na kagandahan ay nasusukat sa kung paano ka makitungo sa iba’t ibang tao at ibang nilalang na kasama mong namumuhay sa sa mundong ito. May mga iilan na nais maging maganda ang kanilang pisikal na anyo ngunit kapag ito’y kanilang nakamtan, nalilimot na nila magpakatao sa iba.

Ngunit ibahin ninyo ang ating paboritong aktres na si Liza Soberano. Hindi natin maitatanggi na halos lahat ngayon ng mga bata, kabataan, mga matatanda at kung sinu-sino pa man na indibidwal ay iniidolo si Liza.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Kahit sino ay mahal na mahal ang dalagang aktres na ito nang dahil na din sa kanyang ubod ng ganda at mala-diyosang mukha na talagang nakahumaling sa madla. Bukod sa kanyang kagandahan, si Liza ay nagtataglay ng napakagandang pag-uugali at talagang makikitaan na siya’y mabuti at mapagkumbabang tao.

Gayunpaman, ang lahat ng klase ng personalidad na ito na kanyang nakuha ay nang dahil na din sa kanyang kinalakihan na kasa-kasama sa buhay. At talagang kung sinuman ang makakatuluyan ni Liza hanggang siya ay maikasal ay talagang isang napakasuwerte na lalaki.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Kamakailan lamang ay dumalo si Liza Soberano sa Star Magic Ball 2019 na kung saan kanyang ipinakita ang glamorous look na talagang hinangaan ng napakaraming netizens na nakakita ng kanyang mga litrato sa nasabing ball.

May mga iilang sikat na babaeng personalidad rin ang dumalo ngunit may isa talagang nag-stand out, at isa rito ay si Ms. Liza. Kasama niya rin si Enrique Gil sa nasabing Ball na nagsilbi bilang kanyang Escort.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Ayon pa kay Liza, siya raw ay nakakaramdam ng pagiging pressured nang dahil na rin tumataas ang expectation ng mga tao dahil bawat taon ay siya ang pinakaaabangan sa kanyang kasuotan dahil ito’y laging trending.

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram

Gayunpaman, ayon kay Liza ay mas mainam na mag-enjoy na lamang at gamitin ang event na ito upang makapagbonding kasama ang mga kapwa artista dahil iyon naman talaga ang layunin ng kaganapang iyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *