Isang kompanya ng Pizza ang nagbigay ng libreng Pizza Themed Wedding Package sa nanalo sa kanilang kompetisyon

Alam nating lahat na napakamahal ang magpakasal lalo na sa panahon ngayon. Kaya naman maraming mga couple ang nag-aantay na lamang ng kasalan na pang-masa upang makalibre sila at mabendisyunan ng walang ginagasta.

Sa katunayan, isang kumpanya ang nagbahagi na sila ay magbibigay ng libreng wedding package sa isang couple kung sila ay mananalo sa isang kumpetisyon na kanilang sasalihan. Subalit ang award na wedding package ang may kakaibang twist kung saan matatanggap nila ang lahat ng libre kung susundin nila ang kondisyon na ito.

Image Courtesy: ladbible/Chicago Town/Darren Robinson



Isang Frozen pizza brand sa United Kingdom sa Chicago Town ang kamakailan nagbahagi na magkakaroon sila ng isang competition kung saan ang mananalo ay makakatanggap ng pizza-themed wedding package na may kasamang free honeymoon sa Chicago.

Subalit bago nila matanggap ito, kinakailangan na pumayag muna ng winning couple na pizza-themed ang kanilang kasal kung saan dapat din na suotin ng Bride ang wedding gown na may pizza design sa araw ng mismong event.

Ang magiging wedding gown ng Bride ay off shoulder dress na may mga dekorasyon na katulad ng pepperoni sa pizza. Habang ang kaniyang boquet naman ay mga rosas na kakulay din ng tomatoes, bread at greens na katulad sa slices ng meat at bacon sa pizza.

Image Courtesy: ladbible/Chicago Town/Darren Robinson



Ito ang kakaibang pakulo ng isang Pizza Company upang mas maging kilala sa tao ang kanilang Brand.

“Our reasearch revealed that more than half of Brits would be more excited about attending a wedding if they knew pizza was on the menu, so we’re delighted to launch the world’s first pizza Bridal Package this summer.”

“Celebrating pizza in all of its goeey, messy goodness, our Pizza Bridal Package includes a bespoke Pizza Wedding Dress, Pizza Bouquet and incredible six-tier Pizza Wedding Cake which features a range of our pizzas and a honeymoon to Chicago.”

Bukod sa wedding gown na Pizza ang disenyo ay kasama na rin daw ang wedding cake na napakalaki para sa Bride at Groom. Lahat ng ito ay makukuha ng couple kung sila ay papayag sa ganitong set-up sa kanilang kasal. 

Image Courtesy: ladbible/Chicago Town/Darren Robinson

Marami ang nagkomento sa ganitong pakulo ng Pizza Brand na ito dahil kung iisipin ay nakakatawa ang pagsuot ng ganitong klaseng wedding gown sa araw ng iyong pinapangarap na kasal. 

Subalit may iilang mga netizens na nagsasabi na kaya nila itong gawin sa kanilang kasal dahil sino ba naman ang tatanggi sa libreng pa-wedding, hindi ba?



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *