Siya kakambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora na tulad ng kanyang kapatid ay mayroon ding magarbong lifestyle

Si Jinkee Pacquiao ang isa sa mga kilalang personalidad na may magarbong lifestyle mula nang sila ay umahon sa buhay sa sunod-sunod na panalo ng kaniyang asawa na si Manny Pacquiao sa laban ng boxing.

Tila naging isang fashion icon na rin si Jinkee dahil sa kaniyang kakaibang fashion style ng mga mamahaling mga bags, sapatos, alahas at mga damit. Kaya naman inaabangan lagi siya ng kanyang mga fans sa bagong mga posts sa kaniyang Social Media account.

Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao



Sa panahon ng kaniyang pag-ahon sa buhay at pagkakaroon ng magarbong lifestyle ay hindi naman niya nakalimutan i-angat at tulungan ang kaniyang kambal na kapatid na si Janet Jamora.

Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao

Sa katunayan, madalas silang makita sa kanilang Instagram posts na nagta-travel sa iba’t-ibang lugar kung saan madalas din silang ‘twinning’ sa kanilang mga outfit of the day. Kung gaano ka-bongga si Jinkee ay ganun din ang kaniyang kambal na si Janet.

Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao

Kwento ni Janet sa isang interview, kadalasan din daw siyang pinagkakamalan ng mga fans na siya ay si Jinkee Pacquiao dahil sa kanilang identical looks at fashion style.

“There are times when people do not even believe I’m not Jinkee, I just explain that I am the twin sister. I am very proud and happy to be Jinkee’s twin sister” pahayag niya sa isang interview.

Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao



Bukod sa magkamukha ang dalawa, parehas din daw ang taste nila sa Fashion. Maraming mga fans ang nakakakita sakanilang dalawa na magkasama habang nagsho-shopping sa mall at bumibili ng mga luxury items para sa kanilang mga OOTDs.

Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao

Madalas daw nilang gawin ang bagay na ito noong mga bata pa sila kung saan ipinapasuot ang magkaparehas na damit na ibinibili ng kanilang Nanay. Noong sila ay mga bata pa ay hindi rin daw maiwasan na sila ay madalas na mag-away dahil sa damit at mga laruan, subalit ngayong matanda na sila ay mas naging malapit ang dalawa sa isa’t isa at halos sa lahat ng lakad ni Jinkee ay kasama niya ang kaniyang kambal na si Janet.

Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao
Image courtesy: Instagram/JinkeePacquiao

Tunay ngang walang makakapagbago sa bonding ng dalawang magkapatid dahil isa ito sa pinakamatibay na relasyon sa isang tao.

Talaga namang nakaka-inggit ang pagiging fabulous at flawless ng dalawa! Kaya naman lagi silang inaabangan ng mga netizen sa kanilang mga Instagram posts dahil hindi lamang sila maganda, kung hindi may mabuting puso pa ang mga ito na kahit abot na nila ang lahat sa buhay ay humble pa rin ang kambal. 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *