Siya si Frankie Pangilinan ang panganay na anak ni Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na ngayon ay papasok na ng kolehiyo

Sa panahon ngayon ay dumarami na ang mga kabataan na makikitaan mo ng kakaibang mga talento sa kanilang murang edad pa lamang. Mayroong mga celebrity child naman na kanilang namamana ang talento at gandang mukha ng kanilang mga magulang.

Image courtesy: Sharon Cuneta/Instagram



Tunay nga na may mga batang isinilang na napakasuwerte at hindi na nila kailangang dumanas ng kahirapan dahil ang kanilang mga magulang ay may kakayahan na sila ay buhayin at bigyan ng sapat na pangangailangan.

Ngunit may mga iilan naman na hindi pinalad at kailangan muna nila dumaan sa butas ng karayom at kumayod ng maigi sa buhay bago maabot ang tagumpay.

Image courtesy: Frankie Pangilinan/Instagram

Si Frankie Pangilinan ay isa sa mga anak ni Megastar Sharon Cuneta at ni Sen. Kiko Pangilinan. Ang dating napakaliit na bata ay ngayo’y isang ganap ng dalaga. Ipinanganak si Frankie noong December 16, 2000 dito sa Pilipinas.

Siya rin ay kasalukuyang miyembro ng mga sikat na mang-aawit ng Pop genre ngayon dito sa Pilipinas. Natagpuan niya ang tagumpay sa industriya ng musika sa pamamagitan ng paggamit niya ng IG account. Ngayo’y isa na siyang singer/songwriter.

Image courtesy: Frankie Pangilinan/Instagram



Si Frankie ang panganay na anak ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at Sharon Cuneta. Ngayo’y ang kanilang dalagang anak ay opisyal nang papasok ng kolehiyo.

Image courtesy: Frankie Pangilinan/Instagram

Nakakalungkot man para sa mga magulang na malalayo ang anak dahil sa New York ito mag-aaral ngunit kailangan itong tanggapin para na din sa mas magandang antas ng edukasyon na naghihintay rito.

Image courtesy: Sharon Cuneta/Instagram

Upang makapag-bonding pa silang pamilya bago magsimula ang pasukan nila Frankie, sila ay sama-samang namasyal na muna sa US kasama ang kanilang pinaka-ate na si KC Concepcion.

Aminado si Sharon na mabigat ito para sa kanila ngunit sumang-ayon rin naman siya na ang pagbabagong ito ay upang mas matuto pa si Frankie sa buhay.

Image courtesy: Frankie Pangilinan/Instagram

Ayon kay Sharon ay hindi nila pwedeng pigilan ang bata para sa mas magandang oportunidad na ito, kahit na mayroong magagandang paaralan din naman dito sa Pilipinas.

Image courtesy: Frankie Pangilinan/Instagram

Ngunit kung nais nila na magkaroon ng panibagong environment na kung saan sila ay mas mapapabuti bilang indibidwal, magiging proud naman sila bilang mga magulang para sa bata.

Dito natin makikita na talagang napakatibay ni Sharon Cuneta bilang magulang dahil ang kanyang Frankie ay malalayo sa kanya ng milya-milyang layo mula sa kanya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *