Ibinahagi ni Sharon Cuneta kung paano niya tratuhin sa wastong pamamaraan ang kaniyang mga kasambahay

Kamakailan ay ibinahagi ng singer actress na si Megastar Sharon Cuneta sa Instagram ang litrato ng kaniyang mga kasambahay habang kumakain sa isang restaurant. Ayon sa kaniyang post, ipinakilala niya ang mga ito sa kaniyang caption bilang mga Yaya ng kaniyang mga anak na sina KC, Miel at Frankie.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta



Ang post na ito ay maaaring isang appreciation post ng Megastar sa kaniyang mga househelpers na loyal sakaniya at tumagal na ng ilang taon na nagseserbisyo sa aktres. Subalit isang netizen ang nag-bash sa aktres at nagkomento tungkol sa pagtawag ni Sharon ng “Yaya” sa kaniyang mga kasambahay at kung bakit raw nakasuot ang mga ito ng uniform.

Kaya naman hindi napigilan ng aktres na magkomento at ibahagi kung paano niya tratuhin ang kaniyang mga kasambahay.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta

Ayon kay Sharon, madalas daw niyang isama ang kaniyang mga kasambahay sa abroad tulad ng Hongkong, Bangkok, Japan, US at Paris kung saan nasubukan na rin nilang makapag Disneyland kasama ang kaniyang mga helpers.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta
Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta



Sa tuwing sila mag-aabroad ay hinahayaan niya na isuot ng mga ito kung anong damit ang gusto nilang isuot at lahat ng souvenirs na kanilang inuuwi ay ibinabayad ni Sharon bilang pakonswelo sa mga ito.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta
Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta

Ayon naman sa negatibong komento ng ilang netizen sa pagtawag ni Sharon ng “Yaya” sa mga kasambahay, wala naman daw masama sa pagtawag ng Yaya dahil minsan ay Yaya, Ate o Nana ang tawga ng kaniyang mga anak sa kanilang mga kasambahay. Malambing din naman daw ang kanilang pagtawag sa mga ito at itinuturing nilang pamilya ang kanilang mga househelpers.

Sa katunayan, madalas daw na natutuwa at nagseselos ang team ni Sharon dahil sa special treatment niya sa kaniyang mga Yaya dahil pati sa mga Broadway shows sa abroad ay isinasama niya ang mga ito upang makapag-enjoy at makanood na may kasama pang personal allowance sa tuwing sila ay magtatravel sa ibang bansa.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta

Marami ang natuwa sa pagbabahagi ni Sharon kung paano niya tratuhin ang kaniyang mga househelpers dahil ayon sa iba ay sobrang swerte daw ng mga ito at naging Amo nila si Sharon.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta

Para sa aktres, wala namang masama sa pagtawag ng “Yaya” o pagsuot ng uniporme ng kanilang mga kasambahay dahil kung sila ay mismong tatanungin ay masaya ang mga ito dahil itinuturing ni Sharon na kapamilya ang kaniyang mga kasambahay.

Image courtesy: Instagram/ReallySharonCuneta

Nananatiling loyal ang mga ito dahil na rin siguro sa napakabait at napakalambing nilang Amo kung saan binibigyan sila ng tyansa na makapag-enjoy sa abroad na may benefits at allowance galing sa aktres.

Saludo kami sayo Sharon! Napakabuti mong tao!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *