Ito na ang bagong buhay ni Bangs Garcia sa United Kingdom kasama ang kanyang sariling pamilya

Si Valerie Bangs Garcia ay isa sa napakagaling na aktres noon lalo na sa mga tv shows sa ABS-CBN kung saan nagsimula siyang sumikat at makilala taong 2008. Isa siyang film and television actress at magaling na painter sa Davao, Philippines kung saan kilala din ito na isa sa may pinakamagandang mukha sa Showbiz Industry.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia



Noong 2016, napabalitaan na ikinasal si Bangs Garcia sa kaniyang Filipino-British boyfriend na si Lloydi Birchmore kung saan nagkaroon sila ng tatlong wedding ceremony. Isang simpleng wedding sa england at dalawang beses na kasalan sa Boracay Island, Philippines.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia

Matapos itong ikasal ay hindi na rin muli pang nakita si Bangs Garcia sa anumang teleserye sa industriya kaya naman marami ang nagtataka kung nasaan na nga ba ang aktres.

Napag-alaman na matapos ang isang taon ay nagdadalang tao na ito sa kaniyang panganay na anak. Ipinanganak ang kanilang baby girl na si Amelia noong Disyembre taong 2017 at simula noon ay nag-migrate na ito sa United Kingdom kasama ang kaniyang anak at asawa na si Lloydi.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia
Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia



Mapapansin sa kaniyang mga Instagram posts na hands-on ito sa pag-aalaga sa kaniyang baby girl na si Amelia habang nag-eendorse pa rin ito sa pamamagitan ng pag-post ng kaniyang mga litrato ng mga produktong kaniyang hawak.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia

Hindi pa rin nawala ang ganda at hubog ng katawan ni Bangs dahil hanggang ngayon ay napanatili niya ang kaniyang pangangatawan matapos sumailalim sa C-section nang ipanganak niya si Amelia. Ibinahagi noon ni Bangs na nakaranas ito ng post-partum na depresyon matapos manganak, kaya naman nagsumikap ulit siya na makamit ang kaniyang body goals.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia

Ngayon ay mag dadalawang taong gulang na si Baby Amelia sa disyembre at habang lumalaki ay mas napapansin siya ng mga netizens dahil napakaganda at napakacute nito.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia
Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia
Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia

Tila ba parang laging nakabakasyon si Bangs dahil sa kaniyang mga Instagram posts na madalas siyang makita na chill lang at relax sa kaniyang buhay kahit inaalagaan si Amelia.

Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia
Image courtesy: Instagram/ValerieBangsGarcia

Hanggang ngayon ay maganda pa rin at parang walang pinagbago ang kagandahan ng aktres kahit na isa na siyang Mommy.  Ayon sa ilang mga fans nito, si Bangs Garcia ay talaga namang napakaganda pa rin kahit na ito ay isa ng ina.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *