Ito na ngayon ang buhay ni Rica Peralejo kasama ang kanyang napakabuting asawa

Inalala ni Rica Paralejo kung gaano siya kaswerte at ka-blessed noong mga panahong ikinasal siya sa kanyang butihing asawa. Nagpapasalamat siya dahil sa kabila ng kanyang hindi maganda na nakaraan ay nakapangasawa naman siya ng napakabait na lalaki.

Image courtesy: Rica Peralejo/Instagram



Sa isang Instagram post, Ibinahagi ni Rica ang larawan niya habang umiiyak siya sa kanilang kasal. Iyon ang mga oras na talagang hindi niya napigilan ang kaligayahan kung kaya’t naluha na lamang siya.

“This was the one and only part when I cried a lot during my wedding. It was when Franco Laurel was singing the song @davidbonifacio [her husband’s brother] wrote specifically for the event.” – pahayag ni Rica.

Image courtesy: Rica Peralejo/Instagram

At doon lamang napagtanto ni Rica kung gaano siya ka-blessed at kahalaga.

“While listening I looked around and saw people and faces of such good and godly men and women in the room who covered us with so much love and spiritual authority.” – Dugtong ni Rica.

“I was overwhelmed as I couldn’t so much reconcile how someone like me, who has had such awful past and a colorful lifestyle, could have such a noble and dignified wedding, and actually marry such a good and decent man?” – Sabi ni Rica.

Image courtesy: Rica Peralejo/Instagram



27 taong gulang lang si Rica noon nang makilala niya ang pastor na si Joseph Bonifacio. Simula noon, malimit na lamang makita si Rica sa telebisyon at tinalikuran na rin ang mga daring at matured roles niya noon. Tinulungan siya ng kanyang asawa na si Pastor Joseph para palakasin niya pa ang pananampalataya bilang kristiyano.

Image courtesy: Rica Peralejo/Instagram

Matapos ang sampung buwan nilang pagde-date, ang magkasintahan ay nag desisyon ng magpakasal. At ngayon, pinagdiriwang ni Rica at Joseph ang kanilang 9th Anniversary.

Sa pagtanaw noon, na-realized ni Rica na sa kabila ng kanyang mga kasalanan, ang kagustuhan pa din ng Diyos ang mananaig. “It was all new to me then but after nine years I have come to realize that when God has a will for you, it can’t and shan’t be taken away from you no matter how hard you fall in life.” – pahayag ni Rica.

Image courtesy: Rica Peralejo/Instagram

Sa huli, pinaalalahanan ang mga kababaihan na “mistakes are part of life. But they shouldn’t define us.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *