Ito ang nakakapukaw ng damdamin na post ng isang Netizen kung bakit kailangan natin mag-travel kasama ang ating ina

Isang netizen ang kamakailan nagtrending dahil sa kaniyang inspiring post sa Social Media kung saan nagtravel ito sa unang pagkakataon na kasama ang kaniyang Ina at ibinahagi niya ang kaniyang mga na-realize habang kasama ang Ina sa pag-travel.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso



Nakikala ang netizen na ito na si Eric Deluso kung san ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post kung ano ano ang matutunan mo kung magta-travel ka sa unang pagkakataon na kasama ang iyong Ina.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso

Ayon kay Eric, ang ating mga Ina ang best travel buddy natin dahil kilala natin ang isa’t isa kung saan sila pa ang mag-aadjust para sa atin sa mga gusto natin puntahan.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso

Mas Makikilala mo rin daw ang iyong Ina sa pagtravel dahil magkakaroon kayo ng bonding time. Makikita mo ang kanilang cool at carefree side na walang iniisip at ineenjoy lang ang pamamasyal.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso



Mararanasan mo ang best moments sa iyong travel dahil kasama mo ang iyong pinaka mamahal na Ina na walang inisip kundi iprioritize at mahalin tayo ng buong buo.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso
Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso

Masarap raw ito sa pakiramdam dahil mapapasaya mo siya at maidadala sa mga lugar na pinapangarap niya noong dalaga pa siya.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso
Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso

Bukod pa rito, mas makakatipid ka sa pagtravel kasama ang iyong Nanay dahil sila ang pinakada-best pagdating sa pag budget sa pagkain.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso

Higit daw sa lahat ay makakagawa tayo ng mga happy memories kasama ang ating magulang na madadala natin habang buhay.

Image Courtesy: Facebook/Eric Deluso

Kaya habang malakas pa iyong Nanay, magsumikap para sa sarili pero siguraduhin na maibalik natin ang pinaghirapan ng ating magulang kahit sa simpleng pagtravel kasama sila dahil habang busy tayo na hinahabol ang ating pangarap, hindi natin napapansin na tumatanda sila at tayo ay nauubusan na ng oras dahil masyado tayong focus sa ating mga sarili.

Umani ng napakaraming reakasyon ang post ni Eric kung saan natuwa ang ilang netizen sa pagbabahagi nito sa Social Media dahil na-realize ng iba na kailangan natin mag-travel kasama ang ating mga magulang upang mas makabuo ng maraming memories at magkaroon ng bonding time kasama sila.

Nawa’y maging inspirasyon ang post ni Eric upang mapansin at mabigyan natin ng oras ang ating mga magulang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *