Naibili ni Maymay Entrata ang kaniyang Ina ng bahay sa Japan dahil sa bunga ng kaniyang paghihirap sa Show Business

Nagsimula lamang si Maymay Entrata bilang isang Pinoy Big Brother Housemate noon at ngayon ay unti-unti na niyang nabubuo ang kaniyang mga pangarap sa kaniyang sarili at para sa kaniyang pamilya.

Image courtesy: Instagram/MaymayEntrata



Kamakailan, ibinahagi ng aktres at model na natutunan na niyang mag-invest sa mga bagay bagay kung saan ang kaniyang kita ay ginagamit niya upang makapag invest ng bahay at lupa. Sa katunayan, nagpapatayo ngayon si Maymay ng bahay para sa kaniyang pamilya sa Camiguin Island at nakabili na rin daw ito ng isang bahay para sa kaniyang Nanay sa Japan.

Image courtesy: Instagram/MaymayEntrata

Sa isang interview, ibinahagi ni Maymay na malapit nang matapos ang ipinapatayong bahay sa Camiguin. Tinulungan din daw siya ng kaniyang kapatid na lalaki nang bilhin niya ang isang bahay sa Japan.

Image courtesy: Instagram/MaymayEntrata

“Kami po dalawa ng kuya ko ang naghahati doon. Pero hindi pa siya fully paid. Noong nakita niya yung bahay, naiyak siya kasi 28 years na siya sa Japan tapos nagre-rent pa rin sila. Sobrang mahal po kasi ng renta doon.”

Image courtesy: Instagram/MaymayEntrata



Ayon kay Maymay, halos 28 na taon na kasi silang nagrerenta ng bahay sa Japan at napakamahal daw ng renta doon. Kaya naman naisipan ng kaniyang Kuya na maghatid sila sa bayad ng pagbili ng bahay sa Japan.

Image courtesy: Instagram/MaymayEntrata

“Kami po dalawa ng kuya ko ang naghati doon. Pero hindi pa siya fully paid. Noong nakita niya yung bahay naiyak siya kasi 28 years na siya sa Japan tapos nagrerent pa rin sila. Sobrang mahal po kasi ng renta doon,” pagbahahagi ni Maymay.

Sobrang swerte nga naman ni Maymay dahil mula ng paglabas niya sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother House ay nagkaroon ito ng maraming projects lalo na sa pagmomodel at mga photoshoot na endorsements.

Sa katunayan, mayroong upcoming concert si Maymay kasama ang kaniyang on-screen partner at Pinoy Big Brother housemate na si Edward Barber ngayong September 27, 2019.

Image courtesy: Instagram/MaymayEntrata

Naging parte din siya ng blockbuster Hit na palabas nina Alden Richards at Kathryn Bernado na “Hello, Love, Goodbye” kung saan naging successful ang kanilang palabas at naging highest-grossing film ito na umabot ng halos 880 million pesos.

Kahit na naabot na ni Maymay Entrata ang kaniyang pangarap sa buhay ay nananatili pa rin itong humble sa kaniyang mga achievements.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *