Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit napakarami ang humahanga at nagmamahal kay Manny Pacquiao

Ang ating pinakamamahal na si Manny Pacquiao ay isa sa mga buhay na patunay na hindi ka dapat kailanman mawalan ng pag-asa sa buhay kahit na pinanganak ka na mahirap. Ang lahat ay nadadaan sa sipag at tiyaga upang marating ang iyong nais makamit sa buhay.

Si Manny ay napakarami nang nakamit na tagumpay sa buhay, marami na rin siyang napatunayan kung kaya’t halos lahat ng tao ay talagang malaki ang paghanga sa kanya. Siya ay nagsisilbing inspirasyon para sa kahit sino dahil sa kanyang narating at pagiging mabuti sa kanyang kapwa.

Gayunpaman, maraming rason kung bakit mahal na mahal si Manny ng kanyang mga Fans, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang panig pa ng mundo. Narito ang mga dahilan kung bakit mahal siya ng kanyang mga fans:

1. Si Manny ay may kakaibang istilo sa pakikipaglaban sa kanyang mga katunggali, mayroon siyang kakaibang bilis, lakas, at uhaw sa pagkapanalo upang ma-KO ang kalaban. Wala siyang takot kahit sinong kalaban ang iharap sa kanya.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram



2. Si Manny ay likas na mapagbigay at magaling makipagkapwa-tao, dahilan na din na nanggaling siya sa sobrang hirap na pamumuhay noong mga panahong walang-wala pa siya. Kanyang nararamdaman ang hirap ng pamumuhay ng kanyang mga kapwa na kapos-palad kung kaya’t hindi nagdadalawang-isip si Manny na mamahagi ng biyaya na kanyang natatanggap.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

3. Marami din ang umidolo kay Manny dahil gumanap din siya sa ilang mga palabas sa lokal na telebisyon sa Pilipinas, ilan sa kanyang mga palabas ay ang mga roles sa pagiging rebel commander, gumanap siya bilang Pacman, isang superhero na nakapulang costume at lumalaban sa mga krimen.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

4. Nasubok ang katanyagan ni Manny Pacquiao nang siya ay pumasok sa public service o pulitika at dito nagsimula ang kanyang paglilingkod sa ating mamamayan nang siya ay manalo sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram



5. Dahil palaging nananatili ang mga ngiti sa labi ni Manny Pacquiao, mayroon siyang totoo na pagiging mabuting tao at higit sa lahat palaging nananatiling nakayapak sa lupa ang mga paa ng pambansang kamao o mapagkumbaba.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram

6. At ang pinakaimportante sa lahat, si Manny Pacquiao ay tunay na maka-Diyos at mas lalong tumitibay pa ang kanyang relasyon sa panginoon. Bukod pa rito, si Manny ay mayroong napakalaking puso na talagang mahal na mahal niya ang kanyang buong pamilya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *