Ito ang Appreciation Post ni Pauleen Luna tungkol kay Vic Sotto bilang isang maintindihin na asawa

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng mga proyekto at movies ang ‘Eat Bulaga’ Tv Host na si Vic Sotto na kilala bilang si Bossing. Sa katunayan ay kasalukuyan itong gumagawa ng bagong project para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na ipapalabas sa Disyembre.

Bukod sa kaniyang career sa buhay showbusiness ay hindi pa rin naman nakakalimutan ni Bossing ang kaniyang lingkod bilang isang Ama at Asawa sa kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLuna



Sa katunayan, ibinahagi ni Pauleen Luna ang isang appreciation post kung gaano kabuti at ka-understanding si Vic sa kaniyang pamilya kahit na madalas raw itong pagod galing sa trabaho.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLuna

Ibinahagi ni Pauleen Luna sa kaniyang Instagram post ang larawan kasama ang kaniyang asawa na si Vic Sotto na may caption tungkol sa pagpapasalamat sa kaniyang asawa.

“Missing my dear husband who’s still out working since this morning. These past weeks, his schedule’s been crazy because he’s filming for his movie.”

Image Courtesy: Instagram/PauleenLuna

Ayon kay Pauleen, madalas daw busy si Vic dahil sa kaniyang proyekto para sa Metro Manila Film Festival subalit alam naman daw ni Pauleen na ginagawa ni Vic ito para sa kaniya at kay baby Tali.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLuna



Dagdag pa nito, hindi rin daw nagrereklamo si Vic kahit madalas itong pagod dahil na rin siguro sa kaniyang passion sa pag-arte kung saan na-eenjoy nito ang kaniyang trabaho.

“And though I terribly miss him, his absence makes me appreciate all the hard work he’s doing for his film and for us. He never complains even though I know how tired he is. Maybe because he’s doing it with love and passion,” caption ni Pauleen Luna sa kaniyang post.

“Thank you my love for all that you do for us, for your entire family. We love you and we appreciate you. Always and forever,” pasasalamat ni Pauleen kay Vic dahil sa kaniyang hardwork para sa ikabubuti ng kaniyang mag-Ina.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLuna
Image Courtesy: Instagram/PauleenLuna

Marami ang natuwa at kinilig sa pagpost ng aktres tungkol sa kaniyang asawa dahil minsan lamang ito magbahagi ng appreciation post dahil simple at low-key lamang ang relasyon ng dalawa sa Social Media.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *