Ito na ang buhay ngayon ni Chin-chin Gutierrez na minsan din naging parte ng mundo ng telebisyon

Si Maria Carminia Lourdes Cynthia Arnaldo Gutierrez o “Chin Chin Gutierrez” ay isang napakagaling na aktres sa industriya ng Showbiz lalo na sa mga drama movies at teleserye. Madalas siyang gumanap noon sa mga mabibigat na drama serye sa showbusiness, subalit hindi na siya gaanong lumalabas ngayon sa industriya.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez



Kamakailan ay kumalat ang balita sa isang Facebook post ng isang nagngangalang Vicksay M. Josol kung saan nagagalak siyang batiin ang aktres sa pinili nitong tahakin sa buhay. Napabalitaan na pumasok si Chin Chin sa kumbento upang maging isang madre.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez

Matatandaang bago pa lumabas ang balitang ito ay kilala ng karamihan si Chin-Chin Gutierrez bilang isang magaling na aktres at dahil sa angking galing ay nagtamo siya ng iba’t-ibang parangal habang nasa industriya ng show business.

Maliban dito ay kinilala rin ang kaniyang galing sa pag-arte sa mga patimpalak na ginanap sa ibang bansa. Sa katunayan ay ginawaran siya ng Asian Television Awards bilang Best Actress noong 1996 at Best Supporting Actress naman noong 1998.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez

“God really works in ways we could hardly fathom! Congratulations for answering the call to Vocation Se. Lourdes. Prayers for you,” pahayag ni Vicksay.

Napabalitaan na ito na ang kaniyang bagong buhay ngayon ayon sa ilang netizens. Sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa piniling propesyon bilang aktres ay nagdesisyon siyang tumigil sa pag-aartista noong 2010 dahil na rin nakaranas ito ng isang insidente kung saan nasunugan siya ulit ng bahay sa pangalawang pagkakataon.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez



Ang una ay noong taong 2006 kung saan napabalitang nagtamo siya ng ilang sugat sa mukha at braso sa kagustuhang mailigtas ang inang may karamdaman ngunit makalipas ang ilang linggo ay binawian rin ito ng buhay.

Matapos ang mga nakakalungkot na pangyayaring ito ay hindi na alam ng publiko kung ano ang nangyari sa buhay ng aktres hanggang sa mapabalitang tinatawag na siya ngayong Sister Lourdes sa halip na Chin-Chin Gutierrez dahil pumasok di umano siya sa kumbento ng Carmelite Sisters para maging madre kagaya ng kaniyang ina na si Cecilia Arnaldo.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez

Naging madre din kasi ang ina ni Chin-Chin bago pa ito ikasal sa kaniyang botanist na amang si Dr. Hermes Gutierrez. Naglingkod ang ina ni Chin-Chin sa Franciscan Missionaries of Mary sa loob ng mahigit sampung taon.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez

Lumaki ang dating aktres na nakikita kung gaano kalapit sa Panginoon ang kaniyang mga magulang at maging ang kaniyang lola ay madalas niyang nakakasama sa mga gawain sa simbahan kaya naman hindi nakakapagtaka na maging malalim din ang kaniyang pananampalataya.

Sa kasalukuyan ay wala pang kompirmasyon mula kay Chin-Chin kung totoo nga ang napapabalitang na siya ay ganap na isa ng madre.

Image courtesy: Facebook/ChinchinGutierrez

Sa kabila nito, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa aktres at masaya sila sa pagtanggap nito sa pagkatawag sa kaniya ng Panginoon na maglingkod.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *