Nagbalatkayo ang babaeng ito bilang isang Talahib upang sikretong kuhanan ng litrato ang Wedding Proposal para sa kanyang kapatid

Tunay nga na hindi matatawaran ang pagiging malapit ng magkapatid na mag-ate. Ang pagmamahal ng isang ate sa kanyang nakababatang kapatid ay nag-uumapaw kung kaya naman ganoon rin ang antas ng pagmamahal sa kanya ng kapatid.

Image courtesy: Therese Merkel/twitter



Talagang nakakabilib ang kayang ibigay ng isang ate para sa kanyang kapatid at maging ganoon din ang kapatid na babae sa kanyang ate.

Tulad na lamang ng kwentong ito na kung saan nagbihis ang kapatid ng soon-to-be bride na parang talahib at sanga ng puno upang maghalo ang kulay nito sa lugar na kung saan magaganap ang isang espesyal na pangyayari.

Image courtesy: Therese Merkel/twitter

Sikreto siyang nagtago gamit ang kasuotan sa pagbabalatkayo upang kunan ng mga litrato ang espesyal na pangyayari sa buhay ng kanyang sister na kung saan nagpropose ang kanyang boyfriend upang ito’y pakasalan.

Si Therese Merkel at si Rachel ay mag-ate na talagang malapit sa isa’t-isa. Kung kaya’t si Therese ang pinakiusapan ng boyfriend ni Rachel na makipagtulungan sa kanya upang pagplanuhan ang gagawing wedding proposal.

Image courtesy: Therese Merkel/twitter



Ang pangalan ng boyfriend ni Rachel ay si Andrew Philibeck, mayroong magandang ideya si Andrew na iminungkahi kay Therese na kanilang gagawing proposal at pumayag naman agad ito.

Ang kanilang napagkaisahan ay magpropropose si Andrew habang sila ni Rachel ay romantikong naglalakad sa pribadong gubat o kakahuyan at naroon nakatago ang kapatid na si Therese habang may hawak na camera.

Upang gawin na mas romantiko ang tagpo sa araw na magpropropose si Andrew, nilagyan nila ng mga dekorasyon ang lugar ng namumukadkad na mga sunflowers at lanterns na kung saan ito ay mga paborito ni Rachel.

Image courtesy: Therese Merkel/twitter

Sa spot na kung saan nagtatago si Therese, matiyaga niyang hinintay rito ang magkasintahan at kitang-kita din rito ang napakalinaw na tanawin ng mga pangyayari kung saan siya ay kumuha na ng mga litrato na stolen.

“Sister got engaged this weekend and I dressed as a bush in the wilderness to watch/capture the moment. We are 1 year apart.. why are our lives so different.”

Image courtesy: Therese Merkel/twitter

Marami sa mga nakakita ng tweet ni Therese ay talagang ikinatuwa ang kanilang ideya na pagtatago sa talahiban upang kunan ang mahalagang pangyayari sa kanyang kapatid.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *