Ibinahagi ni Dawn Zulueta ang Kaniyang Simple Subalit Elegante na Living Room Matapos Niyang Ayusin Ito

Hindi ikakaila na si Dawn Zulueta ang isa sa pinaka successful na aktres sa Showbiz dahil bukod sa kaniyang walang kupas na kagandahan ay nakilala ito sa galing niya sa pag-arte. Tunay ngang mayroon itong timeless beauty na hindi kumukupas kahit na nasa edad 50 na ang aktres.

Image Courtesy: Instagram/DawnZulueta



Bukod sa kagandahan ni Dawn ay kinagigiliwan siya ng mga netizens dahil sa kaniyang napaka-humble na pagkatao at pagkakaroon ng simpleng buhay kung saan hindi na niya kailangan pang magpa-impress sa mga manonood na siya ay mayaman. Isa si Dawn sa mga artista na may pinaka simpleng bahay subalit elegante at mukhang mamahalin ang mga gamit.

Image Courtesy: Instagram/DawnZulueta

Kamakailan ay ibinahagi ni Dawn ang isang litrato ng kaniyang simpleng living room kung saan hindi ganoon kalakihan subalit mapapansin na ito ay elegante dahil sa mga kagamitan at disenyo nito.

Image Courtesy: Instagram/DawnZulueta

Ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram post na siya mismo ang nagre-arrange ng kaniyang living room at naglagay ng mga home decor.

“I just did a week’s worth of cardio after rearranging the living room…Wiped out but very #satisfied… #homeimprovement,” caption ni Dawn sa kaniyang Instagram post.

Makikita naman sa litrato na simple lamang ang kaniyang sala kung saan mayroon itong eleganteng disenyo na bumabagay sa kaniyang kulay cream at white na pintura. Pati na rin ang kaniyang mga kurtina ay tumutugma sa kulay ng kaniyang mga kagamitan.

Image Courtesy: Instagram/DawnZulueta



Madalas niyang gamitin ang kaniyang sala sa kaniyang mga photos na ibinabahagi sa Social Media kaya naisip siguro ng aktres na ayusin ito at i-rearrange para sa bagong look.

Image Courtesy: Instagram/DawnZulueta

Kung mapapansin sa kaniyang Instagram account ay simple lamang ang buhay ng aktres. Bukod sa pag re arrange ng kaniyang living room, ang libangan ni Dawn ay ang bonding time kasama ang ilang mga kaibigan at ang kaniyang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/DawnZulueta

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang mga projects ni Dawn sa industriya ng Showbiz habang ginagampanan ang pagiging isang Ina sa kaniyang dalawang anak.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *