Ito ang bagong Hairstyle ni Maricar Reyes at ang kaniyang bagong tayo na Bakeshop

Kilala ng karamihan si Maricar bilang isang magaling na artista. Nag-umpisa ang kaniyang karera bilang isang modelo hanggang sa madiskubre ang kaniyang talento sa pag-arte at nagsimulang sumabak sa mga pelikula noong 2008. Napangasawa niya si Richard Poon na isa namang mang-aawit at manunulat ng kanta.

Image courtesy: Instagram/Maricarreyespoon



Sa kasalukuyan ay hindi na aktibo si Maricar sa showbiz industry mula ng ito ay ikasal sa singer at pinili na lamang na mamuhay sa labas ng media.

Sa katunayan, ang pinag kakaabahalan ngayon ng aktres ay ang kaniyang bagong tayo na negosyo na pinangalanan niyang ‘Maricar’s Chocolate Cakes’.

Inumpisahan ito ni Maricar noong 2015 kung saan through online lamang makaka order ang kaniyang customer kung saan ang karamihan pa noon sa kaniyang mga mamimili ay ang kaniyang mga kaibigan at kakilala sa trabaho lamang. Kakaiba ang mga gawang cake nina Maricar kaya naman unti-unti itong nakilala sa pamilihan at tinangkilik na rin ng publiko hanggang sa nakapagtayo na siya ngayon ng kaniyang shop.

Ilan lamang sa mga ibinibenta nila ay ang kanilang Classic Chocolate Cake na madalas binibili sa tuwing may handaan kagaya ng birthday o anniversaries. Samantala, mayroon din silang tinatawag na ‘choco chunks’ at ‘coffee chunks’ na masarap at affordable din.



Kamakailan lang ay ginulat niya ang kaniyang mga suki nang mag-anunsiyo siya ng pagbubukas ng kauna-unahang sariling pwesto sa isa sa pinakamalaking shopping mall sa Manila at ito ay sa Megamall.

Sa wakas ay mayroon na ngang store ang Maricar’s Chocolate Cake at maaari itong mabisita ng personal ng kaniyang mamimili sa Upper Ground Level ng Megamall A.

Unang araw palang ay dinagsa na kaagad ang nasabing store at maging mga kasamahan niya noon sa showbusiness ay dumalo rin at nakisaya sa kaniyang soft opening.

Image courtesy: Instagram/Maricarreyespoon

“It’s still hard to believe. Nung 2015, sa bahay lang kami nagbebake, friends ko lang ang bumibili. But now we’re in MEGAMALL. I love my team. This achievement is as much theirs as it is mine,” pahayag ni Maricar sa kaniyang Instagram post.

Maliban sa pangyayaring ito ay nagulat rin ang publiko at namangha ang mga ito sa new hairstyle ng aktres. Maikli na ang kaniyang buhok at blonde na ang kulay nito na talaga namang pinaangat pa ang ganda ng kaniyang mukha.

Karamihan nga sa mga netizens ay hindi mapigilang mag-komento at nagsabing mukhang international star ang datingan ng aktres. Habang ang iba naman ay masaya para kay Maricar sa bago niyang pinagkaka-abalahan negosyo at marami ang gustong tumikim sa kaniyang mga paninda.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *