Ibinahagi ng Isang Netizen ang Matagumpay Niyang ‘Ipon Challenge’ na Umabot ng Halos 60,000 Pesos sa Loob ng Anim na Buwan

Sabi nga nila hindi mahalaga kung gaano kalaki ang iyong kinikita dahil ang importante ay kung gaano kalaki ang pera na iyong naitatabi dahil ito ang makakatulong sa iyo sa panahon na ikaw ay gipit sa buhay.

Sa panahon ngayon na halos lahat ng bagay ay ginagamitan na ng pera at ang mga bilihin at serbisyo ay pataas na ng pataas, karamihan sa ating mga kababayaan ay talaga namang aminado na wala na halos natitira sa kanilang pinaghirapang sweldo. Kaya naman kaliwa’t kanan rin ang nakikita nating paraan kung papaano ito maiiwasan. Nariyan ang mga payo mula sa mga eksperto kung papaano ang tamang pag-budget ng iyong sahod o ang ilan naman ay nagbabahagi ng kanilang Ipon dahil sa popular na ‘Ipon-challenge’ post ng mga netizen.

Image courtesy: Pinterest

Sa paraang ito, nacha-chahallenge ang isang tao na makapag-ipon araw-araw depende sa halaga na nais niyang ilagay sa kaniyang alkansiya. Ang ilan ay panay barya lamang ang kinokolekta ngunit ang iba naman ay kung ano ang maibigang halaga ay siya nilang iniipon.

Maraming netizens ang nagpatunay kung gaano ito ka-epektibo at isa-isa nilang ibinahagi sa social media ang tagumpay nila sa pag-iipon. Isa na rito si Krizia Fonte del Mundo na nakahiligan na ang pagtatabi ng pera.

Image Courtesy: Krizia Fonte del Mundo/Peso Sense

“Hello mga Ka-Peso! Some of the posts here inspired me to do this ipon challenge. Though mahilig talaga ako mag-ipon, mas na–inspire ako noong mabasa ko ‘yong iba-ibang kwento ng pag–save and how to be financially prepared. I started this ipon challenge last April lang and I decided to open it na kasi baka masira na ‘yong pera. I do save everyday kahit magkano kasi kapag nagawa mo siya daily, tuloy-tuloy na siya. I hope we all do save for rainy days. Happy saving! Total is P56,210.00,” pagbabahagi ni Krizia sa Peso Sense Facebook page.

Marami ang namangha sa kabuuang pera na naipon ni Krizia at maging sila ay nagnanais na ring may maitabing pera lalo na at papalapit na naman ang araw ng kapaskuhan.

Image Courtesy: Krizia Fonte del Mundo/Peso Sense

Lubos naman ang kasiyahan ni Krizia hindi lang dahil sa naipon niyang pera sa loob ng maikling panahon kundi dahil na rin sa kadahilanang naging inspirasyon siya sa ating mga kababayan.

Image Courtesy: Krizia Fonte del Mundo/Peso Sense

” Thank you po. I am happy na namotivate at nainspire po kayo sa ginawa ko. I really want to make everyone realize na hindi mahirap mag-ipon. It’s all about disiplina and if you have goals, you really have to sacrifice Kayang-kaya po natin magsave para may madudukot kapag kinakailangan. I do give advices po. Happy saving!,” isa sa mga komento ni Krizia sa kaniyang viral post.

Ikaw, mayroon ka din bang Ipon Challenge story na nais mong ibahagi sa mga netizens? I-share niyo sa amin at pwede naming ibahagi ang inyong istorya sa iba!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *