Isang Ama ang Matiyagang Naghintay sa Kaniyang Anak na Kumukuha ng LET Exam

Ang sarap nga naman makarinig ng mga inspiring story ng ilang mga estudyante na naging propesyonal na ngayon kung paano nila nakamit ang kanilang tagumpay mula sa pagtatapos sa kanilang pag-aaral hanggang sa pagpasa sa kanilang board exam.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Sa katunayan, isang inspiring at partikular na kwento ang naibahagi ng isang netizen na nagngangalang Sheila Mae Glor sa kaniyang Facebook post na nakatawag ng pansin sa mga ilang netizens matapos mag-viral ang kaniyang post sa Social Media.

Ang kaniyang post ay tungkol sa isang ama na sinamahan ang kanyang anak na kumuha ng LET o Licensure Examination for Teachers mula nang ito’y mag-umpisa hanggang sa matapos ang araw ng kanilang board exam.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Ayon kay Sheila na isa rin sa mga kumuha ng exam na ito, napansin na niya ang isang Tatay na mula pa 6:30 ng umaga na nag-aantay sa labas ng gusali kung saan ginanap ang LET Exam. Masaya nitong nginingitian ang lahat ng dumaraan sa harap nito at walang mababakas na pagka-inip sa mukha nito na tila hindi alintana ang paghihintay.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Ang exam ay tumagal hanggang 5:30 ng hapon at nang makalabas si Glor, nakita niyang muli si Tatay kung saan kinausap niya ito at napag-alaman niya na kasama sa mga examinees ang anak ni Tatay kung saan buong kagalakan pa niya itong itinuro kay Sheila.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Nakita niya na ito ay naka-upo sa isang wheel chair at ang matanda ang mismong nagtutulak nito kung saan man sila pumunta. Hindi natiyak kung anong kondisyon ng anak ni Tatay subalit ayon sakaniya, mula pa noong nagsimulang pumasok ang anak nito sa kolehiyo ay siya na ang naghahatid at nagsusundo rito araw-araw kaya naman maging sa kahuli-hulihang yugto, bago maging lubos na propesyonal ang anak, ay nariyan pa rin siya para lubos na susuporta.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor
Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Hindi napigilan ng netizen na ibahagi ito sa Social Media dahil saludo siya kay Tatay at sa anak nito na kahit mayroon itong kondisyon ay sabay pa rin silang lumalaban sa buhay at mayroong pangarap na nais nilang makamit.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Ang makabagbag damdamin na kwentong ito ay isa lamang patunay na walang hindi kayang isakripisyo ang mga magulang para sa kanilang mga anak.

Image Courtesy: Facebook/Sheila Mae Estrañero Glor

Hindi nila alintana ang ano mang abala o paghihirap na maaari nilang maranasan basta para sa ikabubuti ng kanilang pamilya ay gagawin nila ang lahat.

Maswerte nang di hamak ang mga taong kasama pa rin ang kanilang mga magulang mapahanggang ngayon dahil hindi lahat ay pinalad na maranasan ito.

Sa katunayan nga ay marami ang lumaki na walang nakilalang mga magulang at ang iba naman ay maagang naulila sa mga ito, kaya marapat na mahalin sila habang kasama pa natin ang mga ito dahil darating ang araw na sila rin ay lilisan na sa mundong ibabaw upang mamahinga nang tuluyan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *