Nagbukas ng Online Ukay-ukay si Kylie Padilla at Ibinibenta Nito ang Kaniyang mga Pre-Loved Items sa Murang Halaga,

Kahanga-hangga ang kagandahan at galing ni Kylie Padilla sa pag-arte kaya binansagan itong kapuso action princess ng GMA network.

Sa ngayon ay walang ginagawang teleserye ang aktress dahil sa kaniyang pangalawang pagbubuntis na kaniyang pinaghahandaan.

Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay

Ngunit kahit na siya ay pansamantalang nakapahinga sa showbizness gusto pa rin nitong manatiling busy kaya naman napagisipan niya na magtayo ng isang online ukay-ukay store.

Mula sa kaniyang Instagram account ibinahagi niya ang kaniyang munting pinagkakaabahalan na Ukay-ukay store na pinangalanan niya itong ‘My little ukay-ukay’ na kung saan ibinebenta niya ang kaniyang mga pre-loved items at accessories pati na rin ang ilang kagamitan ng kaniyang panganay na si Alas at asawang Aljur Abrenica. Nakahakot naman na ito ng mahigit sa 18k followers.

Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay
Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay

Ayon naman kay Kylie, nagbukas ito ng Online store dahil nais niyang maging simple ang kaniyang pamumuhay at upang magkaroon ng espasyo ang kaniyang closet. Ibinenta ni Kylie ang ilang mga pre-loved items na hindi na niya kailangan at hindi na gagamitin pang muli.

Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay

Bukod sa mga damit ay mayroon din itong ibinebentang mga sapatos, books, jewelry, shades, planners at iba pa.

Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay

Kahit na gaano kayaman at kasikat ang aktres, sinimplehan lamang niya ang kaniyang online store dahil hindi naman niya inaasam na kumita ng malaki, kundi ang importante ay matutunan niya kung paano patakbuhin ang isang negosyo at para na rin maging simple ang kaniyang buhay.

Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay

Marami ang natuwa sa kaniyang store at marami rin na mga netizens ang bumibili at inaabangan ang bawat post ni Kylie upang bilhin ang kaniyang mga gamit.

Image Courtesy: Instagram/My little ukay ukay

Halimbawa na lang sa kaniyang designer bag na Michael Kors na kung saan binili niya ito sa halagang 18,621 pesos pero ibebenta lamang niya ito sa halagang 9,200 pesos. Ang isa pang ikinatuwa ng mga netizens ay ang plano ni Kylie na i-donate ang sampung porsyento na kikitain ng kaniyang online store sa mapipiling charity na kaniyang pagbibigayn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *