Matatamis na mga ngiti ni Rico Yan ang inalala ng mga Fans sa kanyang ika-apat na pu’t apat na kaarawan

Halos dalawang dekada na ang nakalipas nang nilisan ni Rico Yan ang mundong ibabaw, siya ang isa sa mga pinakamagaling na aktor sa industriya ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi nakalimutan ng mga fans ang pag-alala ng kanyang kaarawan.

Image courtesy: Rico Yan/Facebook



Gamit ang iba’t-ibang social media platform tulad ng FB at IG, hindi pinalampas ng mga fans ni Rico ang magbigay at ibahagi ang kani-kanilang mga mensahe at mga panalangin sa ika-apat na pu’t apat na kaarawan ng aktor.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng fans ni Rico Yan na kanilang ibinahagi sa Social Media:

“Today marks your 44th birthday, Rico. We may have not met in this lifetime yet I am forever grateful for the inspiration you have left before you passed on. We miss the person that you are – most especially that smile which continues to make my heart melt. Happy Birthday, Mr. Dimples,” sabi ng isa sa mga admin ng Rico Yan Facebook page.

“Happy 44th birthday in heaven… Sweet prince! We miss you so much!” post ng isa ding page na Rico Yan Memories.

“Happiest birthday, RY! I hope you are happy up there. We love you always, RY, and always remember you,” isang caption ng isang post sa Instagram page na @ricoyanclaudine.

Image courtesy: Rico Yan/Facebook



Pati lahat ng aktor na nakasama niya sa industriya ay hindi siya nakalimutang batiin sa kanyang kaarawan, kasama na doon ang kanyang mga pinakaclose na kaibigan na si Marvin Agustin at Dominic Ochoa.

Habang papunta ang aktor na si Dominic Ochoa sa Whattamen ay isang fan ng trio (Dominic, Rico at Marvin) ang lumapit sa kanya para magpa-autograph sa kanya para sa pag-alala ng kaarawan ni Rico.

Kilala si Rico bilang isa sa may mga pinakamagandang ngiti, at siya din ang reel to real lover ni aktres noon na si Claudine Barretto.

Image courtesy: Rico Yan/Facebook

Isa sa mga fan ni Rico ang gumawa ng video para sa nakalipas na Birthday ng aktor para sa pag alala sa kanya gamit ang huling pelikula noon na pinagbidahan ni Rico at Claudine noong 2002.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *