Nakilala na ni Julia Montes ang kanyang Daddy at panibagong buhay na sa ibang bansa ang kanyang pinili

Si Julia Montes ay isa sa mga kilalang aktres na mayroong hindi makakalimutang ginampanan sa industriya ng show business.

Image courtesy: Julia Montes/Instagram



Noong panahon na nagsisimula pa lamang si Julia, nakitaan agad ito ng potensyal sa talento nito na kung saan nakuha niya ang atensyon ng madla dahil sa taglay nitong galing sa pag-arte.

Mas namayagpag ang karera ni Julia nang mas makilala siya bilang Clara sa palabas na “Mara Clara” na kung saan kasama niya rito ang kilalang aktres na si Kathryn Bernardo noong taong 2010.

Matapos ang nasabing programa, dumating kay Julia ang sunod-sunod na proyekto na kung saan itinuturing niya ito na isang napakalaking biyaya para sa kanyang buhay karera.

Image courtesy: Julia Montes/Instagram

Isa sa mga tumatak na proyekto ni Julia sa channel 2 ay mula nung itinambal sya kay Coco Martin, isa sa mga pinakamagagaling na aktor sa industriya.

Matapos ang proyekto niya kasama si Coco, nagsimula at kumalat ang mga bali-balita na si Julia at Coco ay may relasyon sa isa’t isa, pero ni-isa sa kanila ay walang umamin sa publiko at hinayaan na lamang ang isyu.

Noong umalis si Julia sa Pilipinas para pumunta ng Germany, mas dumami ang mga sabi-sabi at nadagdagan pa na nabuntis daw ang aktres, ngunit walang patunay rito na totoo.

 



Ayon sa balita, ibinahagi ni Julia sa social media na kumakakailan lamang, nakilala at nakita niya ang kanyang ama sa unang pagkakataon na naging rason niya ng paglipad sa bansang Germany.

“Every Europe trip mapa show or shooting sa ibang bansa lagi kong iniisip kalian ko kaya makikilala ang papa ko… Nanalig at naniwala lang ako na kapag para sa akin ibibigay yun nga Diyos sa oras nya.. Ngayon lagi ko na syang kasama samantalang pinangrap ko lang Makita at makilala ang papa ko noon” pahayag ni Julia sa isang litratong naka post sa social Media habang kasama nya ang kanyang Ama.

Base sa mga Instagram post ni Julia, kitang-kita sa mga litrato kung gaano kasaya ang aktres kasama ang kanyang ama sa Germany.

Ang kanyang post noong December 2018 noon lamang pasko ay kasama niya ang mga kamag-anak niya na nasa abroad, meron din siyang mga litrato kasama ang kanyang aso kasama ang kanyang tita habang naglalakad palibot sa kanilang bakuran.

Image courtesy: Julia Montes/Instagram

Matapos noon, wala nang naging update sa social media si Julia maliban na lang nung sumakabilang-buhay ang kanyang matalik na kaibigan kumakailan lamang na si Chokoleit na isang komedyante. Gayunpaman, madami pa ding mga fans at followers ang naeexcite sa mga kaganapan niya sa buhay.

Source: Julia Montes/Instagram



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *