Kilalanin si Michelle Vito, ang pinakamalapit na kaibigang artista ni Miss Liza Soberano

Iilan sa mga celebrity sa industriya ng show business ay sang-ayon sa katotohanan na sa mundo ng kanilang trabaho ay napakahirap makanap ng isang kaibigan na matatag at totoo na kung saan magiging mabutin impluwensya sa kanila at maghihilaan sa tuktok ng tagumpay.

Image courtesy: Michelle Vito/Instagram



Gayunpaman, may iilan sa kanila na maswerteng nakatagpo ng makakasundo, mapapagkatiwalaan at masasabing tunay talagang kaibigan.

Isa na dito ang isa sa pinakanamamayagpag na artista sa panahon ngayon, si Ms. Liza Soberano. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang kanya palang pinaka-bestfriend sa mundo ng show business ay ang napakagandang si Ms. Michelle Vito.

Ang dalawang ito ay nagsimula ang pagkakaibigan noong panahon na star margic circle lima hanggang anim taon na ang nakalilipas. At sila’y naging magkasama sa iisang room o roommates bawat star magic ball sa tuloy tuloy na limang taon na dumadalo sila sa ball.

Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Si Michelle Marie Vito ay kilala na gumanap sa ibang role tulad ng “Aryana” na pinagbidahan ni Ella Cruz na kung saan gumanap si Michelle Vito bilang kontra-bida na ginanapan ang pangalan na Megan Mendez.



Tulad ng kanyang kaibigan na si Liza, si Michelle ay maganda rin sa kanyang sariling pamamaraan, sa panloob at panlabas na anyo. Makikita nyo sa kanyang IG account ang kanyang nga napakagandang mga litrato na kung saan kanyang iminomodel ang iba’t ibang brand ng nga damit.

At nang dahil sa kanyang pantay at mala-kutis porselano na balat, siya ay tinagurian ng kanyang mga fand na the Snow White of the Philippines.

Image courtesy: Michelle Vito/Instagram

Makikita din sa ig account ng magkaibigan na nagbabahagi sila ng mga litrato na kung sila ay masayang magkasama at ginagawa ang mga tinatawag na bestfriend stuffs tulad ng panunuod ng mga palabas at pagoovernight.

Marami sa mga netizens ay tuwang-tuwa sa dalawang magkaibigan na ito dahil kitang kita sa kanilang mga litrato kung gaano katibay ang koneksyon nila sa isa’t-isa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *