Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang Kanilang Magarbong Bakasyon sa Europe Kasama si Daniel Padilla

Kilig na kilig na naman ang mga tagahanga ng tambalang ‘Kathniel’ matapos nilang matunghayan ang mala-fairytale na pamamasyal ng real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Europa.

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo



Kamakailan lang ay pinuno ng dalawa ang kanilang Instagram account ng kabigha-bighaning larawan na nagpapakita ng mga nabisita nilang lugar sa Europa. Isa na nga dito ang pagligo nila sa Blue Lagoon na talaga namang ikinatuwa ni Kathryn dahil tila ba natanggal lahat ng stress at pagod niya sa pagtatrabaho matapos lumublob sa maligamgam na tubig.

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo

“Day 1 in Iceland: Blue lagoon! Best decision after a looooong flight ,” pagbabahagi ni Kath.

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo
Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo

Nagdesisyon siyang magbakasyon sa Europa kasama ang kasintahang si Daniel matapos ang matagumpay at Blockbuster movie niya na pinamagatang ” Hello Love, Goodbye!” kung saan kasama niya ang aktor na si Alden Richards. Kumita ito ng milyon-milyon at talaga namang hinangaan ng marami ang galing ng mga artista sa pagganap ng kani-kanilang role lalong-lalo na kay Kathryn na nagpakita ng kakaiba nitong talento.

“Been working non-stop the past few months so this trip came as much needed,” dagdag pa ng aktres.

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo

Hindi rin pinalagpas ng dalawa ang pagkakaroon ng larawan sa sikat na Eiffel Tower na siyang hinahangad ng halos lahat ng magkasintahan.

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo



Mukhang nasulit nga nina Kathryn at Daniel ang kanilang bakasyon dahil marami silang napuntahang lugar sa maikling panahon lamang. Matapos nga ang Europe trip ng dalawa ay maraming napagtanto ang aktres at kaniya naman itong ibinahagi sa kaniyang Instagram followers na aabot na sa mahigit sampung milyon!

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo
Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo

“Can’t believe it went by so fast but came home with so many great, unforgettable memories! During our little adventure, here are a few things I’ve come to realize.

1. Cherish the little things. Sometime you just have to stop and live in the moment…

2. Find a balance. Work hard, play hard(er). It’s okay to reward yourself, especially if it fuels you to do better…

3. Love mother nature…

4. Be grateful. This trip made me realize how lucky and truly blessed I am…

Finally we’re ticking another destination off our bucketlist! I’m glad to have experienced this with you @supremo_dp. Thank you!” pagbabahagi ni Kathryn.

Image courtesy: Instagram/Kathryn Bernardo

Napakaganda ng mga larawan ng kanilang bakasyon na makikita sa dalawa na talaga namang enjoy na enjoy silang dalawa. Tunay nga na couple goals sina Kathryn at Daniel dahil na rin sa kanilang long term relationship na umabot na ng mahigit pitong taon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *