Rufa Mae Quinto, Masayang Ibinahagi sa Publiko ang Kinalabasan na Interior ng Kaniyang Dream House

Halos lahat ng mga artista sa industriya ng showbiz ay ang unang kanilang naipupundar sa kanilang kinita ay ang magarbong bahay o high-end na sasakyan. Bukod sa pangarap nila ito, nais din nilang magkaroon ng magandang bahay ang kanilang pamilya upang guminhawa ang kanilang buhay.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto



Kaya naman ang mga artista ang isa sa mga may magagandang bahay sa ating bansa kung saan kumpleto ito mula sa arkitekturang disenyo hanggang sa interior design ng kanilang bahay.

Isa na dito si Ruffa Mae Quinto na kamakailan lang ay masayang-masayang ibinahagi sa kaniyang Instagram followers ang kinalabasan ng kaniyang pinaghirapang ‘dream house’ – isa sa Pilipinas at isa sa Amerika!

“My new home… Amen! Dalawa bahay na inaayos ko, sa Pinas at sa Amerika,” masayang pagbabahagi ng komedyante sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto

Hands on si Rufa sa pagdidisenyo ng kaniyang bahay at lahat ng mga kagamitan dito ay masusi niyang pinag-isipan. Nagbiro pa nga ito na mayroon siyang talento kagaya ng isang interior designer dahil sa ganda ng kinalabasan ng kaniyang bahay at proud dito ang kaniyang asawa na si Trevor Magallanes.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto
Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto



“Ang pangarap kong buhay at bahay… makakamit ko na soon, isa sa talent ko guys interior de signing kyeme… So ito na nga po ang bedrooms ko, walk in closet, bathroom ko noong dalaga ako, 1969 my grandma bought this house, her first house she sold and I got it back dahil sa Boombamania, yahoo!”

“Ancestral Home in the Philippines! Mabuhay! May room na din anak ko Queen Elsaroom”

“Back to housing projects, then housing project in the USA… malapit na”

“Busy na busy ako sa housing projects, part kayo ng bahay na ito. Welcomae Quinto kaya lahat ng gamit namin de clutter, pati sofa ko and bed share haha. Kaya mae Quinto ko to!”, caption ni Rufa Mae sa kaniyang Instagram post ng loob ng kaniyang bagong bahay.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto

Maliban sa sipag at determinasyon sa kaniyang trabaho ay nagsakripisyo din ang mag-asawa para matupad ang kanilang pangarap kung saan madalas din silang magkahiwalay dahil busy ang isa’t isa.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto

“Todo na to guysh! Diba? (Ako na ang busy) Worth it ang aming Ldr! Kasi ito ang reason bakit kami magsusumikap para sa anak naming si @alexandriamagallanes namin @trevvvlog! Oo struggle kami pero May queen Elsa room na si Athena soon. So happiness na din kami. Unti-unting makakamit ang mga Pangarap! Go go go! Todo na to!”, kwento ni Ruffa Mae.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto
Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto
Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto

Kung titignan ay napakaganda nga naman talaga ng bagong bahay ni Rufa kaya naman proud na proud itong ibahagi sa kaniyang Instagram account. Subalit kahit busy sa kaniyang new house, hands on pa rin si Rufa sa kaniyang anak na si Athena kung saan madalas makita silang mag-travel at magbonding na sila lamang dalawa.

Image Courtesy: Instagram/Rufa Mae Quinto

Nakakatuwa nga naman talaga ang pagbabahagi ng mga artista ng kanilang success story dahil alam ng mga fans na sinikap nila ito at deserve nila dahil pinaghirapan nila itong trabahuhin.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *