Natupad ang pangarap ni Yen Santos na mabisita ang kanyang Dream Destination sa France

Ang bawat tao sa mundo ay may kanya-kanyang pangarap sa buhay. Iba-ibang antas ng pangarap na kung saan alam mong ito ay angkop sa iyong kakayahan at ito’y laging posible kung ito ay pagsusumikapan.

Image courtesy: Yen Santos/Facebook



Iba-iba ang pangarap ng bawat isang indibidwal, mayroong napakatayog, mayroong sakto o simple lamang, at mayroon namang pangarap na makaraos lamang sa araw-araw na pagsubok ng buhay.

Ayon nga sa kasabihan, ang taong may pangarap ay magiging matagumpay sa buhay. Dahil ang ating mga pangarap ang nagsisilbing inspirasyon upang tayo ay patuloy na mamuhay ng mayroong pagsisikap.

Tulad na lamang ni Yen Santos, isang taong nangarap upang maging matagumpay sa industriya ng show business. At nang siya ay naging matagumpay sa kanyang napili na larangan.

Dito nagsimula na siya ay mas lalong mangarap, at isa rito ay kanyang marating ang mga dream destination. Ang pag-travel ay isa sa mga nais gawin ni Yen.

Kamakailan lamang nitong Hunyo ng 2019, ang pangarap na Paris, France ay nabigyang katuparan ng aktres na mapuntahan at makapagbakasyon dahil ito raw ang kanyang number 1 bucket list sa kanyang travel.

Image courtesy: Yen Santos/Facebook



Ayon sa isang post ni Yen Santos sa kanyang Facebook page,

“Finally Paris, we Meet. I was literally crying looking at the eiffel tower! It was so much more than I dreamed it was going to be and I just couldn’t believe it was right in front of me. sarap sa feeling. Sobra!”

Tuwang-tuwa ang aktres na totoong-totoo na ang kanyang nakikita na Eiffel tower sa kanyang harapan, hindi na ito basta sa picture na lamang o mga palabas dahil nasaksihan na niya kung gaano talaga ito kaganda sa personal.

Ang karanasang ito para kay Yen ay patunay lamang na siya ay matagumpay na sa buhay at may kakayahan na siyang makapunta sa kahit saan lugar na kanyang nais puntahan.

Image courtesy: Yen Santos/Facebook

Si Yen Santos ay taga-Cabanatuan City at isinilang na Filipino Citizen. Dati siyang sikat o popular sa kanilang paaralaan, minsan na napasama sa mga hindi mabubuting kaibigan o bad influence. Ngunit naging matagumpay nang magsimula ang kanyang career noong siya’y sumali ng PBB: Teen Clash taong 2010.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *